Chapter 1

7.5K 167 9
                                    

[This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.]







St. Louis street 7:30 July 23, 7223lta 

Katerina's Pov.

"We are never ever ever, getting back together! You will talk to your friend, talk to my friend, talk to me!". Radio on habang hawak ko ang manubela, maaga akong nagising para hindi ako malate ngayon sa trabaho.

I love my job, teaching students and making commands to annoy them, it was enjoyable, pure bliss lalo na kapag mag papagawa ka ng gawain and they are just, what the hell Miss Katerina. 

I love it when they are calling me Miss Katerina, I feel like a powerful woman. But then, sa kabila ng pangalan ko hindi naman ako terror teacher, mild lang, kaya naman akong malapitan at kausapin para lang hindi sila ma- fail. 

My favorite part of school year is finals, dahil marami nang students ang lalapit at manghihingi ng second chance, and with that second chance, syempre mayroong mga consequences at kapalit.   

Ang iba sa kanila ay nag papadala saakin ng mga chocolates, new branded bags, new lipstick and perfume, see, yan ang pinaka maganda sa pagiging professor.

Pero sa kabila ng lahat ng iyan, marami din akong struggle sa kanila, lalo na sa mga absentees, god, they are so annoying, papasok lang tuwing exam day at kapag nag fail pwede nilang tapalan ng pera ang bunganga ng president and then viola, pasado sila kahit pa hindi sila pumapasok at nag e- effort. 

But I do admire those students na nag e- effort at nag bibigay ng full attention sa class, kahit pa lacking sila sa ibang aspect sa paaralan.

"Good Morning Miss Alejer!". The guard greeted me and I smiled at him.

"Good Morning Paulo!". Bati ko pabalik. I am a cheerful person, but in reality malapit na ako magkaedad.

I am now 28 years old at umabot ng matagal na panahon bago ko nakuha ang pangarap kong profession. And being a professor slash teacher is the best. 

Wala na nga pala akong magulang, my mother died because of me, my father hate me for that and he disowned me. Wala nang bago sa buhay ko. My father is enjoying my mother's wealth, ni walang natira saakin. 

I hate my dad for that. 

I parked my car to my usual spot at inayos muna ang sarili ko bago lumabas hawak ang shoulder bag. Habang nag lalakad sa hallway ay maraming bumabati saakin. 

My classroom is located near the principal's office, Room A4. So medyo malayo layo ang lakad ko bago ako makapasok.

30 minutes din ang biyahe ko dahil sa traffic, umagang umaga palang grabe na ang pahinto hintong usad, iyon din ang dahilan kung bakit palagi akong late, but even if  I am always late, hindi ako pinapagalitan ng principal because I am too beautiful to be scolded.  

Sakto lang ang dating ko, nasa gitna na kami ng first sem, malapit nang mag finals kaya medyo busy busy na ang mga co teacher ko lalo na ang mga students.  

Pumasok ako ng tahimik sa classroom and all of my students stood up to greet me.

"Good Morning College 4 architecture students. Please be settled and sit down, I will be checking your attendance.".  I bring out my notebook to check their attendance.

They are 50 students at kadalasan 49 lang ang palaging pumapasok, and those 49 students lahat sila ay very responsible at pala pasok, hindi ko lang alam sa isang student dahil simula una hanggang ngayon hindi pa siya nag papakita, my principal said that this student came from Canada. 

Dealing With Hawkins Where stories live. Discover now