Chapter 27

3.7K 133 52
                                    

Nabalitaan ko na mayroong nag claim na sa katawan ni Sage, alam kong ang PA niya at ang butler niya ang gumawa nun. Sana lang makuha nila ang justice na deserve ni Sage.

Napag alaman ko rin ang mangyayaring libing sa araw na ito ay sekreto lang, kaya hindi ko alam kung saan ako lalapit para lang makapasok sa kung saan siya ililibing.  

Wala akong choice but to contact Antonio. Siya nalang ang alam kong connected kay Sage at ang P.A niya.

After three rings sinagot niya ang call.

"Hello? I'm so sorry Babe, I am so busy right now, sorry. I will talk to you soonest". Agad agad na sabi niya.

"Please Antonio, sa unang pagkakataon lang please be honest. Alam ko na ang lahat, kung sino ka at kung ano ang nangyari sa mga nakaraang araw mo". Mahabang paliwanag ko. 

Matagal siya bago nag salita. Naiinip na ako and I really wanna know kung saan ililibing si Sage. 

"We'll talk about that next-".

"I already know your connection to my student, Alison Sage Hawkins. I saw you three days ago. I called you dahil gusto ko lang malaman kung saan ang place ng libing, please". Pag mamakaawa ko.

Dahil sa tatlong araw ng funeral niya hindi manlang ako nakapunta dahil hindi ko alam ang location. Hindi ko alam kung nasaan si Sage at naiinip na ako sa panahon na wala akong ginagawa.

I'm a mess, puro sama ng loob at lungkot nalang ang nararamdaman ko. 

"Katerina, hindi ako pwedeng-". I cut him off.

"Please!".

"Hindi ko talaga pwedeng gawin o sabihin ang place sorry but I need to go, kailangan ko nang umalis-".

No please.

"Please Antonio! I cared for her! Hindi ako makakapag move on! Please! Sa tatlong araw na pag send ko sayo ng mga messages, ni isa wala kang sinagot, ang tanging nais ko lang malaman ay ang location ng funeral niya at kung saan ang libing. Please!". I cried.

"Dahil, dahil hindi ko kayang mag patuloy kung hindi ko man lang siya makausap, kahit sa tapat man lang ng kabaong o sa puntod! Hindi ko alam, All I want is to see her at makapag sorry sa lahat.". Pahayag ko na may kasamang hagolgol at iyak. 

Matagal siyang nanahimik, at ang tanging naririnig ko lang ay ang pag hinga niya sa kabilang linya.

"Mariano Cemetery, 10 am, please don't bring anyone else, limited lang ang pupunta. Saktong 10 am ang libing.". Nakahinga ako ng maayos.

"Oh god, Thank you! Thank you so much!".  Masayang pahayag ko.

"Okay. Take care of yourself. Bye Katerina". He whispered. Ibinaba ko na ang phone at napaupo ako sa sofa.

I cupped my face at inalis ang mga luha sa pisngi ko.

...

Nakatitig ako sa isang direction ng sementeryo, malayo ang pwesto ko sa kung saan ginaganap ang ceremony. 

My tears are falling, hindi ko alam kung paano pigilan, puro tissue na ang laman ng kotse ko at puno ng lungkot ang puso ko.

Hindi ko alam kung papaano ako mag move on kay Sage. Sobrang hirap tanggapin ang pagkawala niya. 

Nag ayos ako ng sarili ko noong umalis ang pari sa harap ng kabaong at naiwan nalang ang apat na taong nakasuot ng suit.

Si Antonio ang isa dahil alam ko ang hugis ng katawan niya, ang isa ay ang P.A ni Sage, si Naia. Hindi ko alam kung sino ang dalawang natatakpan ng katawan ni Anton. 

Dealing With Hawkins Место, где живут истории. Откройте их для себя