Chapter 17

1.3K 56 0
                                    

"Good Morning ladies, breakfast is ready". I said to those girls na kalalabas lang sa tent nila.

Maaga akong nagising dahil mag a- assist kami sa kitchen, mas okay na ang tumulong kaysa umupo at matulog hanggang sa gusto mo.  

Mabilis lumapit ang mga students when the announcer announced na ready na ang breakfast. Since our school is not just a school, parang buffet style ang kainan, eat all you can.

Hindi pumayag ang parents na magutom ang kanilang mga anak so, they decided to pay extra money for extra expenses.  

"Kagabi ko pa hindi nakikitang sumasabay ang Canadian nating student Maam, is she okay?". Ma'am Alma asked me. 

"She has her own foods and utensils Ma'am. Sinabi ko naman na hindi pwede ang style na iyon pero wala din naman akong magawa. She's too sensitive, not really fond of eating with a lot of people around her". I replied.

"Sabagay, she's new din kasi". Sumunod narin kaming kumain, nakaupo kaming lahat, magkakatabi ang mga teachers and coordinators. 

Maraming ulam ang nakahanda ngayon sa harap, breakfast foods like, hotdogs, bacon, java rice at marami pang iba.

Tumingin ako sa tent ni Sage, and I really want to go there and ask her if she already done eating breakfast. After ko nalang kumain tiyaka ko siya tatanungin.

We eat peacefully at kami na rin mismo ang nag ligpit sa ibang mga naiwang kalat. After breakfast may announcement mamaya sa harap ng stage kaya pagkatapos nilang mag prepare ng kanilang mga sarili ay start na ang first day of camp.

I approach my own tent to prepare my clothes, gusto ko nang maligo. But my phone is ringing hudyat na may message or email na ibinigay saakin.

When I open my gmail may email galing sa head department so I immediately read the message.

And they are requesting for my presence. Napapikit ako sa abala na binibigay nila saakin ngayon. Wala pa ngang isang araw akong itinagal dito aalis na ako kaagad.

Dammit.

Kailangan ako sa isang seminar, one day lang naman kaya pwede akong bumalik dito after. Mag start ng 10Am matatapos ng 5pm. Kaya napairap ako dahil sa inis at lumabas para mag paalam sa principal.

"Paano yan isang oras ang biyahe pabalik? Gusto mo ihatid nalang kita?". He asked me. I shook my head.

"I'm fine Sir, sanay naman akong mag commute, tiyaka babalik din ako after. This seminar is urgent and important, I need to attend, pagagalitan ako ng head". Natatawang sabi ko. Hindi na siya nangulit.

Nag paalam din ako sa mga co teachers ko at sa mga advisory students ko. Ngayon kay Sage nalang ako huling mag papaalam.

Ayaw ko naman na hanapin niya ako at magtampo saakin ang batang iyon. I already knew her style. 

"Sage? Pasok na ako". I said at inilihis ang tumatakip sa tent niya at nagulat ako dahil iba ang nadatnan ko.  

"Sorry mister, hindi ko alam na may kasama pala dito si Sage- I mean si Alison uhh- where is she?". I asked the man.

"Sorry Ma'am nagulat ko yata kayo. Inutusan kami ni boss na ayusin na ang tent niya at ang gamit niya at sinabi niya saamin na kapag nag tanong ka, ay mayroon daw siyang kailangang gawin sa city. Mag usap nalang daw kayo sa school Ma'am". He said. Mas nagulat at tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Ano daw ho ang dahilan?". I asked politely dahil mas matanda yata si Kuya.

"Urgent meeting daw po Ma'am, kailangan niyang bumalik dahil alam niyo naman po kung anong trabaho niya". Paliwanag ni kuya kaya tumango nalang ako.

Dealing With Hawkins Where stories live. Discover now