Chapter 9

1.4K 66 5
                                    

"Oh ghadd Kat! Ngayon naman ang principal mo ang nanliligaw, last month ang president and now the principal? Hindi ko na talaga alam kung paano ka nakakahila ng mga mayayaman". Natawa ako sa sinabi ni Jessie, I decided to tell her about my date tonight.

Siya lang kasi ang makakapag sabi kung ano ang maganda kong isusuot. 

"So ano na? This red or peach?". I asked her and show her the dresses, hinarap ko ang camera for her to see. 

"Wu- wait Kat, saan ba kayong resto mag punta, if ever na five star Resto the red one will do you good". She said. Tumingin ako sa pulang dress.

"Thank you so much Jess! Hindi ko alam ang isusuot ko if ever. And I want this date na sana mag work kasi ang last na date ko with the president palpak.". Balik na sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang red dress at tinitigan, it is so beautiful and elegant.  

"Don't make it serious Katerina, remember the boylet na kilala mo sa internet? You better meet him sooner para naman alam mo kung saan mo nilalagay ang kalahati ng oras mo". She said to me at natawa ako.

"Even though I like Antonio hindi parin ako ma pipirmi na umasa sa kaniya, what if he's not my type? What if he isn't right for me? Diba? I don't even know his face". Sagot ko. She shrugged her shoulders at nag simula siyang mag sabi kung anong kulay ng make up ang ilalagay ko sa mukha ko.

I'm almost done, ito nalang ang hinihintay and when I finished my make up tumayo na ako para kunin ang purse ko.

I just got a message from my principal, ibig sabihin nasa ibaba na siya ng building ko.  I locked my unit at pumasok sa elevator, I pressed the ground floor.

Nasa 30th floor kasi ang unit ko, tatlong unit lang ang meron ang palapag na ito, malawang ang unit ko at may magandang view sa ibaba lalo na ang window view. Ayaw ko din ng mas mataas pa, kaya nag tataka ako sa taong nakatira sa penthouse sa 70th floor. How come na hindi sila nalulula.

Nakatira na ako dito ng almost 5 years. Simula noong nag simula akong nag turo sa Steven University kaya ko ng bayaran ang monthly payment ng condo. Kunti nalang ay mabibili ko na ito ng permanent. 

"Oh Miss Catherina, you're so beautiful tonight". Edgar Madgester said. My one and only handsome principal.

"You too Mr. Madgester, you look gorgeous". I said to him.

Inalalayan niya ako papalabas at ipinag bukas niya ako ng pinto. His car is cool too, a black Audi car. It is so nice and the interior is good. Sumunod siyang pumasok and he asked me if I'm okay, I said yes. 

He is a good looking man, a wealthy man. Pwede na akong mag settle if ever na magustuhan ko siya but I am not ready yet to be in a serious relationship.

Pagkatapos ng mga past relationships ko. Medyo mayroon na akong pag aalinlangan na mag mahal ulit. 

"How's your day Catherina?". He asked me. Nakangiti siya and he has dimple. So cute. 

"It was okay. It was always the same day". Biro ko, natawa kaming pareho.

But honestly, hindi na pareho ang araw ko simula noong dumating ang bagong student. Lagi ko na siyang nakikita, lagi nang nagiging unconscious ang isang parte saakin kapag malapit siya at kausap ko siya.

Is this the kind of feeling na naaawa at may attraction sa isang tao? Dahil iyon ang nararamdaman ko. 

Kanina lang, sabay kaming nag lunch, ang kinuha niyang paper bags sa pinto ay galing sa isang fast food chain, dahil sila lang naman ang may delivery. Ang lunch na iyon ay puno ng tawanan.

Dealing With Hawkins Where stories live. Discover now