CHAPTER 3: A FRIEND

114 5 0
                                    

Aeni

LUMABAS na ako ng aking opisina at bumaba. Tuwing may nakakasalubong akong mga empleyado ay binabati nila ako kaya magalang akong ngumingiti sa kanila pabalik. Nang nasa ground floor na ako ay nakita ko si Rael nakasandal siya sa kaniyang kotse sa labas na para bang may hinihintay.


"Sa wakas bumaba ka na rin." Nag-inat si Rael saka tumayo nang maayos.


"Bakit?" Walang emosyon ko siyang tinignan.


"Kasi hinihintay kita. Ihahatid na kita sa inyo."


Sumalubong sa akin ang malakas na hangin at itinangay nito ang ilang hibla ng aking buhok. Hindi naman mahaba ang aking buhok kaya naayos ko rin iyon kaagad. Naglakad ako kaya mabilis akong pinagbuksan ni Rael ng pintuan.


"Here, wear this." He smiled and handed me his jacket.


Nagtungo na rin siya sa driver seat at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. Maingat na nagmaneho ito. Suot-suot ko na ang kaniyang jacket. Nasa labas man ako nakatanaw ay ramdam ko na panay ang sulyap niya sa 'kin.


"Stop laughing," saway ko.


"I am not laughing," nagpipigil na tawa niya. "Pero bagay pala sa 'yo ang jacket ko. Para kang action star..." Unti-unting niyang naitikom ang kaniyang bibig kasi napansin niyang matalim ko siyang nilingon. "Sabi k-ko nga 'di na ako magsasalita."


I gave him a bored look. "Good. Just drive, Jazzrael."


Napanguso lang siya nang tinawag ko siya sa kaniyang pangalan. Ayaw niya kasing tinatawag siya ng gano'n. Ako lang ang hindi natatakot na tawagin siya ng ganoon. Naging tahimik na muli ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa village na aking tinitirhan. Hindi na ako nagpahatid sa loob at bumaba na ako sa tapat ng gate.


"Are you sure? Ayaw mo bang ihatid kita hanggang sa loob? Mahal ang gas pero mas mahal naman kita—"


"I'm good. Salamat sa paghatid," pagpuputol ko. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.


"Take care. See you tomorrow!" pahabol niya.


Itinaas ko lang ang aking kamay pero hindi na lumingon pa ulit. Habang naglalakad ako may natanaw akong ginang na nahihirapan sa dami ng kan'yang mga bitbit. May dalawa itong naglalakihang bag at may isa pang nakasabit sa balikat nito. I thought I can just ignored it. Ngunit hindi rin ako nakatiis. Lumapit ako at magalang na bumati kay manang.


"Hello po, ang bibigat po ata ng mga dala niyo, 'nay. Gusto niyo po bang tulungan ko kayo? Hindi naman po sa mahilig akong makialam sa business ng iba pero nakita ko po kasi kayo na parang nahihirapan. Ayos lang po ba na tulungan ko kayo?" mahabang paliwanag ko.


Mukhang natuwa naman ang ginang. "Ang bait mo naman, hija. Salamat, salamat. Napakasuwerte siguro ng mga magulang mo sa 'yo, 'ne."


Hindi ako nakasagot. Marahan lang akong ngumiti.


The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now