CHAPTER 15: DIGGING THE PAST

4.9K 110 5
                                    

Mitch

"HOW dare you! Hindi mo sila kailangan itago at ilayo sa 'kin dahil apo ko sila!" galit na bulyaw ni Mr. Virgeras at biglang humugot ng baril ang matanda.


Nagtutukan ng baril sina Mr. Virgeras at Mr. Selverio at maging ang mga kasamahan nilang dalawa. Maging kami ay nag-angat din ng baril ngunit hindi ko alam kung saan ko itututok. Habang sina Roy at Jazz ay nakatutok ang baril nila sa limang lalaki na kasama ni Mr. Virgeras.


Ngumisi lang ang limang ito kina Roy at Jazz. Nabalot ng matinding tensyon ang loob. Nakatutok pa rin ang mga baril namin sa isa't isa, naglalabanan at nagpapatayan ng tingin.


"Kailanman ay hindi kita nagustuhan para sa anak ko!" madiing bigkas ni Mr. Virgeras.


"Tanggap ko iyon, Chairman. Paumanhin dahil pinili akong mahalin ni Ellen." May bahid ng lungkot ang boses ni Mr. Selverio. Mas humigpit ang hawak nina Roy at Jazz sa baril at mas itinutok ito sa mga kaharap nila.


Nang biglang pumasok ang isang hindi ko inaasahang tao. Kung mayroon mang dapat dumating, isa siya sa pinakahuling inaasahan ko. Kahit naguguluhan at nalilito man ay mabilis kong ibinaba ang aking baril.


"M-Mrs. Villafuentes?" nagtatakang tanong ko. Anong ginagawa ni Mrs. Villafuentes dito? May alam ba siya? Anong koneksiyon niya kina Mr. Virgeras at Mr. Selverio?


"Are you going to kill each other in front of me?" mataray na sambit niya sa aming lahat.


"C-Claudia," nauutal na sambit ni Chairman Virgeras.


"Mainitin pa rin ang iyong ulo, Arnold," kalmadong sagot ni Mrs. Villafuentes.


"Put your gun down, Akiel Selverio. Let's have a seat," pormal na paunlak ni Mrs. Villafuentes na parang walang nagtutukan ng baril sa harapan niya kanina. Paano niya nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon?


"You better put it down. Huwag ninyo akong subukan." Matalim niyang tingin sa mga lalaking nagtututukan pa ng mga baril. Marahan kong hinawi ang kamay nina Roy at Jazz at pinaupo sila.


"Walang magagawa ang dahas. At kung kayu-kayo rin lang ang magpapatayan paano niyo ililigtas si Aeni?" she added. Agad na nagbaba ng mga baril ang mga ito.



NOONG una ay hindi ko sila maintindihan ngunit nang nagsimula nang ikuwento si Mrs. Villafuentes ang lahat ay doon ako naliwanagan. May nakaraan sila at konektado silang lahat kay Miss. Dati palang magkasintahan sina Mrs. Villafuentes at Mr. Virgeras ngunit nagkahiwalay din. At si Mr. Selverio ay nahulog sa anak ni Mr. Virgeras na nagngangalang Ellen, isang magaling na agent. At sina Roy, Jazz, at Aeni ay magkakapatid. At hindi pala totoo na si Miss ang pinakamatanda sa aming apat dahil mas matanda pala itong dalawa sa amin. Nakakahilo ang mga pangyayari.


"You are all connected to one another and you know it. Did you approach her intentionally?" hindi ko mapigilan ang sarili kong magsalita. Tipid na ngumiti sa akin si Mrs. Villafuentes.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now