CHAPTER 1: I AM DEATH

18.3K 227 4
                                    

Miss D

"MISS, it's already 11:55 pm, 5 minutes before the transaction will happen," Jazz said.


"Okay, let's go. Let's put an end to their wickedness."


"Yes, Miss!" Sumenyas ako sa aking mga kasamahan upang sabihing maghanda na sila para sa aming pagsugod. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril at nauna kaming tatlo na pumasok.
As we slowly enter the place, I can say that it was elegant, well organized, and very appealing to the eyes. The ambiance of the place is screaming for magnificent.


Tss! Ninakaw lang naman saka pinalago, I thought to myself. I continue to roam around to find my target.


"Sino kayo?!" sigaw ng isang guwardiya nang makita niya kami. Bago pa siya makagawa ng ibang ingay at makalapit sa amin ay mabilis ko s'yang sinipa sa mukha at sinaksak sa tagiliran, sapat na para mawalan siya ng malay.


"Jazz, kayo na ang bahala sa iba pang mga alagad niya. Make sure na wala kayong ititira. Kill them all, that's my order."


"Yes, Miss. Mag-iingat ka."


Tinignan ko siya saglit, pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paglalakad. I went to the most elegant door in the room and opened it. Bumungad sa akin ang hindi magkandaugaga na mukha ni Mr. Ry. Nagulat siya nang makita niya ako. I smiled sweetly. I saw sweat dripping all over his face. I can sense his fear and I can say that...


"I love it," I softly whispered.


Nakita kong tumakbo siya para kunin ang kaniyang telepono pero bago pa man niya 'yon makuha ay mabilis kong ibinato ang hawak kong dagger sa kaniyang direksyon.


"Aah! Hayop ka! Ano'ng ginawa ko sa 'yo?!" he shouted at the top of his lungs.


"Parang daplis lang nagmumura ka na r'yan," mapang-asar na wika ko. Lumapit ako para pulutin ang telepono niya. Madiin ko itong inapakan. Alam kong tatawag siya sa mga alagad niya para sabihin ang nangyayari ngayon, ngunit hindi ko hahayaan iyon na mangyari.


"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?!" galit na bulyaw niya habang umaatras. Umupo ako at hinarap siya na waring nasa isang business meeting lang kaming dalawa.


"Mr. Ry, I'm just here to perform some justice. Ayoko ko kasi sa sakim."


Lumunok siya bago nagsalita. "Ano'ng sinasabi mo? Wala akong alam sa sinasabi mo!"


"Chill ka lang, Mr. Ry. Wala namang tao sa mundo ang umaamin sa kasalanan na nagawa niya. Umaalingasaw nga lang ang baho kahit itago mo. I think this is your lucky day, shì bùshì? (isn't it?)" I grinned at him. What a coward. Sa mga alagad lang umaasa.


"Ano'ng kailangan mo? Pera? Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo basta pakawalan mo lang ako," pagsusumamo niya.


"Mr. Ry, alam mong hindi sapat iyan. It's an eye for an eye, a tooth for a tooth, and a blood for a blood. Hindi rin sapat ang buhay mo bilang kabayaran sa mga taong pinatay mo. Mga buhay na walang awa mong kinitil! At walang pera ang makakatumbas at makakapalit sa isang buhay ng tao. Ang lahat ng buhay ay may halaga, 'di ito isang parang daga na kapag ginusto mong patayin ay papatayin mo na lang! Nǐ de rénxìng zài nǎlǐ! (Where is your humanity!)" I shouted with anger.


"Sino ka ba?! Huh? Bakit mo ba ginagawa sa 'kin ito?!"


"H'wag kang ata. Malalaman mo kung sino ako kapag oras mo na. Alam ba nila na sa iligal na mga gawain ka yumaman? Why are you even here? I already gave you a warning but you just chose to ignore it. Pinabalik na kita sa lungga mo ngunit dahil sa sakim ka, hindi ka bumalik at tignan mo ngayon ang kapalit." I stared at his eyes directly.


Binalot naman siya ng takot at dali-dali siyang lumuhod sa harapan ko. "B-Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Pa-pangako... babalik na ako," utal-utal na pagmamakaawa niya ulit.


"Alam mo ba kung sino ako Mr. Ry?!" Nabalot ng katahimikan ang buong paligid habang hinihintay niya ang aking sasabihin.


"I am death that no one can escape. And I came for you." An evil smile plastered on my lips.


"Pleas– Eh-k."


Bago pa man siya matapos magsalita ay nalagutan na siya ng hininga. Humandusay ang katawan niya sa malamig na sahig, naliligo sa sarili niyang dugo. Ayokong makarinig pa ng mga kasinungalingan niya. At hinding-hindi ako makikinig sa mga katulad nila. I shoot him down using my silencer. I bid him goodbye as I waved my hand at him. Poor man.


Pagkalabas ko sa kuwarto ay lumapit si Jazz at iniabot sa akin ang kaniyang telepono. Kinuha ko naman 'to at isinenyas na siya na ang bahala sa mga bangkay. Mabilis naman niyang nakuha ang gusto kong ipahiwatig. Tumango siya sa akin bilang sagot.


"Yes?" sagot ko sa telepono.


"Miss, natapos na namin ang aming misyon kagaya ng sabi mo," sabi ni Roy sa kabilang linya.


"Good. Where are those things?"


"Nandito, Miss."


"Ayokong mabahiran kayo ng kahit anong kasamaan. Bago pa makita iyan ng mga iba, dapat mo na 'yang sunugin at siguraduhin mong lahat ay sinunog mo. Ako ang papatay sa inyo kapag may isang makatikim ng bagay na 'yan," diretso kong saad.


"Makakaasa ka, Miss."


Ibinaba ko na ang telepono pagkatapos ng tawag. I clenched my fists tightly. You can't stop death and I am that death. I will chase you even in hell. 

The Girl Who Dared | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon