CHAPTER 11: STORY AND BETRAYAL

4.9K 107 1
                                    

Miss D

I felt this weird mix feelings of disappointment, sadness, and anger welling up inside me. I wanted to shout and ask her. Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit siya pa. Bakit siya na pinagkatiwalaan ko? Bakit siya pa na itinuring kong matalik na kaibigan at kapatid? Bakit?!


"Sinabi ko bang gumawa kayo ng palabas?!" naiinis na sigaw niya sa dalawang lalaki sa harapan. Mabilis na lumapit ang isang babae na may dala-dalang panibagong upaan at inilagay ito sa tapat ko. Nakilala ko ito agad dahil sa blonde niyang buhok. Ito 'yong kaibigan ni Ms. Galera. Hindi ko alam na spy pala siya. Pero isa lang ang ibig sabihin niyan. Nakayang magpapasok ng ispiya si Alonzo sa amin kaya hindi siya basta-basta ordinaryong tao lang. Nagkamali ako at nauto niya ako. Hindi na siya si Alonzo na nakilala ko. Maarte siyang umupo, ibang-iba ang nakikita kong Ms. Alonzo ngayon.


"Tutunganga ka lang ba r'yan? Alam kong maganda ako. At saka hindi ako matutunaw kahit magdamag ka pang tumunganga r'yan!" mataray na sambit niya sa 'kin.


"B-Bakit?" Ito lang ang kaya kong sabihin sa kan'ya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit siya ngayon ang aking kaharap. Sana nananaginip lang ako kasi hindi kayang iproseso ng aking isip na ang kalaban ko ay ang itinuring kong kaibigan. Matalik na kaibigan at kapatid, hindi man sa dugo pero sa puso.


"Anong 'bakit'? Masasagot ko ba 'yan kung bakit lang? Huwag ka nang magugulat sa akin dahil hindi ako si Ms. Alonzo na nakilala mo."


"Pinagkatiwalaan ka ni Mrs. Villafuentes at pinagkatiwalaan kita. Hindi ko labis na maisip na magagawa mo ito!" Tinanggap ko ang galit mula sa nanlilisik niyang mga mata.


"Pinagkatiwalaan? Huh! Nagpapatawa ata kayo. Hindi ko naman hiningi iyan na ibigay n'yo kaya 'wag ninyong isumbat."


Agad akong nainis pero mas lamang ang kirot dahil sa mga mahahanghang niyang mga salita. "Pinagkatiwalaan ka namin dapat pinahalagahan mo 'yon! Akala k-ko ba magkaibigan tayo? Itinuring kitang kaibigan. Bakit anong kasalanan ko sa 'yo?!"


"Kaibigan? Patawa ka talaga. Ms. De Mevius, kung hindi ka sana dumating hindi ako masasawsawan. Langaw ka ba? Sumasapaw ka masyado, ih. Ako sana ang ilalagay ni Mrs. Villafuentes na CEO sa second team. Pero ayos na 'yong Secretary niya ako kaysa ilagay niya ako sa fourth team," maarteng ani niya.


"Hindi ko maintindihan kung gano'n bakit mo 'ko dinukot? Kasabwat mo ba ang mga 'yan?"


"Teka lang, kilala ko sila pero magkakaiba kami ng rason kung bakit kami nandito," depensiya niya. "Gumaganti lang ako pero sila iba ang business nila. At wala naman akong pakialam kung ano iyon." Tumingin ang dalawang lalaki sa akin na parang sinasabi nila na nagsasabi nga ng totoo si Ms. Alonzo.


"Gumanti? Anong ginawa ko? Anong kasalanan ko?" naguguluhan kong tanong.


"Well, hindi naman ikaw talaga ang may kasalanan kaso anak ang nawala kaya anak din ang kapalit."


"S-Sino?"


"Naalala mo pa ba ang sunog na naganap sa inyong kompanya 6 years ago? At mga ilang buwan lang din ay inanunsyong ipapakasal ka ng iyong mga magulang sa mayamang pamilya." Naalala ko ang mga panahong iyon na para bang bumalik muli ako sa nakaraan na parang kahapon lang naganap.

The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now