CHAPTER 6: SOFTNESS IS WEAKNESS

6.6K 100 2
                                    

Miss D

I was once a beggar in the street. My family abandoned their own child and Jacob was killed by unknown syndicates. I am hopeless, no home, no one to run for, and nowhere to go. Ngunit ang totoo ay hindi ako nakakalamang sa pulubi, dahil kung tutuusin ay mas mahirap pa ako sa mahirap. Kulang na lang ay lamunin ko na ang lupa. Hunger, cold, and thirst never really bothered me but loneliness did. It came to the point that I wanted to give up. Darating at darating ka talaga sa puntong mapapatanong ka na lang bigla. Para saan pa ba ito? Ano pa bang saysay na nandito pa ako?


Paano ka nga ba magpapatuloy kung wala ng direksiyon ang buhay mo? Ano pa bang silbi ng buhay kung wala ng kahulugan ito? Parang humihinga ka na lang pero ang totoo patay na ang nasa loob mo. Parang iminumulat mo na lang ang mata mo para pagmasdang lumipas ang mga araw. Walang direksiyon, walang kabuluhan, ganito ko ihalimbawa ang aking buhay noon. Ngunit may isang tao ang nagbigay muli sa akin ng panibagong pag-asa. Sariwang-sariwa pa ito hanggang ngayon sa aking ala-ala.


Hindi nakakasunog ang sinag ng araw. Sa liblib at mabahong kalye kung nasaan ako ay biglang may dumating. I saw a black Lamborghini Veneno in front of me. A man in his business suit opened the door for her. She walked towards me and offered me a jacket. Pero hindi ko iyon pinansin.


"You must live in order to overcome everything. The goals, the dreams, the desires, and revenge," she directly said.


Muli akong napatingala sa babaeng hindi masiyadong katandaan na nakatayo sa harapan ko. Nakasuot rin siya ng black na coat na hanggang tuhod. I don't know her but I can feel and I can tell that she knows me better than I know myself. And her voice gave me the will to live again. I saw those pair of eyes seem to be familiar. She has a beautiful pair of eyes. But what caught my attention is that her aura is different. Although this is not a new feeling to me.


The feeling is warm and calm. It is like a lost child found by her own mother.


"Who is this woman?" Dahil halos isang buwan na naging palaboy at walang kinain ni isa ay walang lumabas sa aking bibig na boses. Maputla ang aking labi at nanginginig ako sa lamig.


Tinulungan niya ako. Parang muning ngunit ako ang klase ng muning na nawala't hindi na mahanap ang daan pabalik. Ngayon ay naghahanap na ng bagong tahanan na tatanggap sa akin.


Inalagaan niya ako, pinatira sa kaniyang tahanan, pinakain, pinaliguan, pinag-aral, at tinanggap sa kaniyang buhay. Hindi sapat ang salitang salamat sa lahat ng kaniyang ginawa.


One time, I asked her. "Kilala niyo po ba ako?"


"I have a daughter, the same age as you now. She always follows me, she didn't even think to disobey me. She always wanted me to be happy. At ang tanging gusto niya lang ay maging proud ako sa kaniya, ang 'di niya alam ay matagal na akong proud sa kaniya."


"Nasa'n na po siya?"


"She went to a place where no one can visit." Lungkot ang nakita ko sa dalawang pares ng kan'yang mata. Akala ko buhay pa ang anak niya ngunit napag-alaman kong patay na pala ito.

The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now