CHAPTER 5: AMBUSH

7.1K 126 0
                                    

Miss D

MY sweats are dripping all over my body. I remove the dirty dust on my hands. And I picked up the note and crumpled it. My left arm was cut by a swiss knife. My long biker jacket and my fitted track pants were also slightly ripped off. We're now in an isolated place. No neighborhood, only abandoned buildings. This is not just a simple fight, this is a war.


May iba't ibang mukha ng tao na may sariling ipinaglalaban katulad ko. Desperado silang lahat, walang boses ng tao ang sisigaw na may kaguluhan bagkus ang maririnig lamang ay ang mga sigaw at hiyaw ng mga taong may kaniya-kaniyang dinadala't kinikimkim. Maririnig ang mga pagputok ng iba't ibang klase ng mga baril. Walang umaatras sa aming lahat dahil mayroon kaming ipinaglalaban. At hindi ito ang tamang oras para sumuko.


"Miss!" biglang tawag ni Jazz.


Mabilis akong kumilos at umikot saka itinaas ko ang aking kanang paa. At tumama ito sa lalaking gusto akong sugurin patalikod. Binunot ko ang aking dalang M1911 Pistol at ipinutok sa kaniya. Tumama ito't asintado ang kaniyang ulo.


Naghanda akong muli dahil parami ng parami na naman ang mga dumadating para sugurin kami. May isa pa akong baril na nakatago sa gilid ng aking sapatos. I quickly reached for another gun. I'm partnering my M1911 Pistol with my Revolver. Nang may sumugod sa akin at may hawak siyang kutsilyo kaya nagmadali akong yumuko. Sinuntok ko siya pailalim. No'ng natumba na siya'y hindi na ako nagdalawang-isip na iputok ang aking mga baril sa kaniya. Lumabas ang dugo sa noo niya.


May susugod na naman kaya noong nakalapit siya ay agad akong umikot. Umakyat ako sa balikat ng kalaban. Ang ulo niya ay nasa gitna ng dalawa kong hita at tinapos ko ito ng walang palya. Biglang may humila sa aking buhok at natanggal ang aking tali.


Dahan-dahan akong humarap sa lalaking may malaki ang pangangatawan. Inihipan ko muna ang buhok ko dahil tinatakpan nito ang aking mga mata.


"No one dared to touch me, not even a single strand of my hair." Ibinulsa ko ang aking mga baril at sumugod sa kaniya. Pinaulanan ko siya ng mga suntok, ganoon rin siya ngunit hindi ko hahayaang matamaan ako. Nakita kong libre ang ibabang parte ng katawan niya kaya inipon ko ang aking lakas at sinuntok siya nang malakas. At bigla siyang napatumba sa ginawa ko.


"Kung gusto mong manalo kailangan mong gamitin ang utak mo," madiing payo ko at inilabas ang aking baril at pinaputukan siya.


Nakita kong wala ng sumusugod sa akin. Tinapon ko ang aking revolver at pinulot ko ang isang handgun sa lupa. Lumapit ako sa isang taong kanina pa nanonood sa labanan. Wala siyang galos o ni kahit isang pasa at masayang humihigop pa sa kaniyang sigarilyo.


"You think that you will win this fight because you brought your hundred men. How sure you are?" madiing bigkas ko pagkalapit. Walang gana naman niya akong tinignan at unti-unti niyang ibinaba ang kaniyang sigarilyo na para bang nagambala ko siya.


"I am sure of that," mayabang na sagot niya.


"Well, then I'm gonna crush you and your men. The victory will be mine and failure will be yours," ngumisi ako. Kumunot naman ang kaniyang noo dahil sa aking mga sinabi.

The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now