CHAPTER 7: THE NEWS

5.9K 112 0
                                    

Miss D

"SINO nga ba itong misteryosong babae na ito na nagngangalang Death?" sabi ng isang lalaking reporter sa telebisyon. "Mahigit kumulang na anim na libong tao ang kaniyang natulungan, mapabata man hanggang mapatanda."


"Kasalukuyan na nahihiwagaan ang mamamayan, dahil ang iba ay sinasabing itong babae raw na ito ay isang sindikato ngunit kung siya ay isang sindikato bakit tumutulong siya sa mga nangangailangan? At ang iba naman ay sinasabing hindi ito sindikato dahil ang tinutugis niya ay ang mga masasamang tao. Ano nga ba ang totoo? Sino nga ang babaeng binansagan ng Miss Death? Siya ba ay mabuti o masama?"


"Miss Death, kung nasa'n ka man, hinihiling ng taong bayan na ipakita mo ang iyong–"


Mabilis kong pinatay ang telebisyon. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas ngunit ito pa rin ang ibinabalita hanggang ngayon. Hindi ko alam kung kailan sila magsasawa. Hinilot ko ang aking noo at taimtim na tinignan ang mga kasama ko sa headquarters.


"Miss, top 1 trending ka pa rin," Jazz exclaimed happily.


"Famous si Miss, oh. Pa-autograph, idolo," panggagatong din ni Roy. Matalim ko silang tinignan ni Jazz para patahimikin. Hilaw naman silang tumawa sa akin.


"I already told you to stay anonymous. We don't need fame. Nakakaabala na sila," pagsesermon ko.


"Miss D, tama lang naman 'yon kahit si Miss Death na lang ang makilala ng tao," nakangising saad ni Mitch.


I took a deep breath. "Wala munang operasyon ang magaganap dahil hindi pa umuhupa ang mga balita tungkol sa Miss Death na 'yan. Jazz at Roy kayo muna ang manguna sa pagtre-training sa mga bagong salta. Mitch, check their backgrounds and plan our next move. May pupuntahan lang ako ngayong araw."


"Yes, Miss," they said in unison.


Pagkatapos ng aming maikling pagpupulong ay agaran akong umakyat sa aking kuwarto upang maligo at magpalit. Because the weather is not good today. I decided to wear a black jacket, a high waist pants, and I partnered my outfit with sneakers. Bumaba na ako at pumara na ng taxi.


"Bayad ko ho. Salamat, manong."


"Ay, salamat rin, ma'am," malawak na ngiti ni manong siguro dahil sa pinasalamatan ko siya.


Sinuway ko ang aking mga magulang pero hindi ibig sabihin no'n na kakalimutan ko na ang mga magagandang asal na itinuro nila sa 'kin. At isa na roon ay ang magpasalamat, maliit man o malaki ang nagawa o naitulong sa 'yo, driver man' yan, yaya man 'yan, janitor, waiter o crew ay dapat marunong pa ring rumespeto at magpasalamat sa kanila. Tao rin sila na maayos na nagtatrabaho at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Kagaya sa kasarian, hindi rin dapat hinuhusgahan ang isang simpleng tao base lang sa status nila sa buhay. And even the smallest act of kindness can somehow change the world. Or maybe not. Maybe it cannot bring change to the whole world but it can make someone's day and can impact one's world. At hindi ko maiwasang isipin kung mayroon bang naging mabait at maagang tumulong sa amin sa mga oras na 'yon, hindi sana mapapahamak si Jacob at hindi sana ako magiging ganito...

The Girl Who Dared | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon