CHAPTER 13: MISSING

4.8K 90 0
                                    

Mitch

"THANK you very much for coming. Please enjoy." Sa wakas ay natapos din ang mahabang speech ni Mr. Cardenas kaya agad kaming nagpalakpakan. He made his way to greet his guests. I saw him walked towards Ms. De Mevius. Nawala lang ang atensyon ko sa kan'ya nang biglang may dumating.


"You look gorgeous, Mitch," Jazz greeted me with a smile.


"It's obvious, Jazz. Duh, ako lang 'to." Sabay maarteng hinawi ang aking buhok. At saka kami nagtawanan.


"Tss." I saw Roy wearing his irritated and most annoying face. It looks like the devil is not in the mood. And when he's not in the mood, he ruins everything. Gwapo sana ito kaso parang laging galit sa buong mundo.


"Problema nitong asungot na 'to?" I asked Jazz in a low tone.


"Forget him, he got ditched- Ahh! Ano ba, Roy?!" yamot na sigaw ni Jazz dahil inapakan ni Roy ang kaniyang paa. Nasa magarbo kaming party tapos ganito sila. Nakakahiyang kasama ang dalawang 'to para silang magkapatid na laging nag-aasaran.


Inirapan ko na lang silang dalawa at nagpatuloy sa pag-inom ng aking wine. Nang biglang nakita kong naglalakad patungo sa akin si Mr. Versosa.


"Hello, Miss beautiful." He gently took my hand and softly kissed the back of it. Agaran akong namula dahil sa kaniyang ginawa. Napaka-sweet, 'di ba? Lumingon ako saglit kina Jazz ng ganito-ang-gentleman look.


"Oh, matagal na. Duh, ano ba 'yan. Ako nga lang kasi ito," mahinhin na pabiro kong sambit. "And you look fantastic too, Mr. Versosa," pambawi ko.


"Am I?" Mabilis namang siyang nag-pose at natawa na lang kaming dalawa. Natigil ang magandang atmospera na bumabalot sa amin ni Mr. Versosa dahil may umuubong asungot.


"Ehem," pagsasadya niyang ubo. Inakbayan at marahan naman siyang sinakal ni Jazz para patigilin.


"Someone is angry- I mean hungry. Let's go there, Roy. I just saw Ms. Cutiepie over there." At marahan na hinila-hila ni Jazz si Roy. At napilitan naman na sumama ang isa. Kumunot ang aking noo dahil sa narinig ko.


"Who the heck is cutiepie? What a womanizer," inis na bulong ko at umiling.


"Aray, Jazz," reklamo ni Roy.


"Tara na, e-extra ka pa ha!" At tuluyan na ngang nawala sa paningin namin ang dalawa, napailing na lang akong muli dahil sa kanila.


"May I join you? Since you don't have a companion," Mr. Versosa politely asked.


"Of course," I sweetly replied and then he pulled the chair for me.


"Please, have a seat," matipunong sabi niya.


"Thank you." Umupo ako at ganoon rin siya. Makalipas ang ilang minutong pagkwe-kwentuhan. Dumating ulit sina Jazz at Roy. They picked the table beside us.

The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now