CHAPTER 4: NIGHTMARE

8.2K 142 8
                                    

Miss D

6 years ago...
Before the incident happened...


I woke up early in the morning because I will be meeting Jacob. Naalala ko pa noong huli kaming magkita, ipinangako niyang mamamasyal kaming dalawa ngayon. Buong paghahanda ay nakangiti lang ako na parang timang. After I finished taking a bath, I retouch my face and put some light lipstick. I decided to wear a simple white dress for this day.


"Tss. Baka sabihin pa niya na pinaghandaan ko talaga ng bongga," I thought to myself.


I look again in the mirror to check myself. Noong nakuntento na ako ay nagpasiya na akong lisanin ang aking kwarto. I went down stairs to ask permission from my parents. But I stopped when I saw Manang Esther walking towards me.


"Hi Manang Esther, good morning," I greeted.


"Buti naman at maaga kang nagising at nagbihis ngayon. Bumaba ka na't ikaw na lang ang hinihintay," malumanay na sabi niya.


"Is there any occasion?" I curiously asked. Kasi sa pagkakaalam ko hindi na nila kailangan papuntahin pa si Manang Esther sa taas para pababain ako unless we have visitors or some emergency. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong kay Manang at bumaba na ako.


"Good morning, my lovely daughter." Dad was the first one who greeted me. I smiled at him. Tinignan ko ang mga kasama nila sa hapag-kainan.


"Hija, you should greet our visitors," Mom said.


Hindi ko alam kung bakit sila nandito pero sinubukan ko pa ring ngumiti at binati sila.


"Good morning, Mr. and Mrs. Zamora." Tinignan ko lang ang kanilang anak na si Gio. Hindi ko talaga alam kung bakit ba ang aga-aga ay nandito sila pero parang may ideya na ako. At parang may mali pero sana mali lang din ang aking kutob.


"You are so formal, hija. Please have a seat, this is your house," medyo natatawang tugon ni Mr. Zamora.


"Thank you for coming Mr. and Mrs. Zamora, let's eat first," alok ni Mommy. Pagkatapos ay itinaas niya ang kaniyang kamay upang sabihin sa mga maid na ihain na ang mga pagkain.


I looked at my watch, it's 9:35 am. I hope Jacob is still not there. Mukhang matatagalan pa ata akong makaaalis dito. Ayoko naman siyang paghintayin. Pinalipas ko muna ang ilang minuto para makapaghanap ng perfect timing.


TINIGNAN ko muli ang aking relo. Habang patapos na kaming kumain ay sinubukan kong magsalita para makapagpaalam na sa kanila na may pupuntahan ako. I took some courage to speak to Dad.


"Dad, can I ask for your permission–" Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay agad na nagsalita si Mommy.


"Stop being rude, hija. We still have some visitors," pagalit na suway niya sa akin. Huminga ako nang malalim at bumuga ng hangin, dahil ayokong magalit sila sa 'kin at ayoko silang suwayin. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa ilalim ng lamesa.

The Girl Who Dared | COMPLETEDWhere stories live. Discover now