Prologue

11.4K 313 195
                                    

Quin

Prologue

"Hello ma'am?" Boses ng lalake sa kabilang linya.

"Cut the bullshit Antonio! Siguraduhin mong mabuting balita ang sasabihin mo, kundi magbigti ka nalang!" Kasabay ng paghilot ng aking sentido at pag tiimbagang, inilang tungga ko lang ang laman na rum sa aking baso.

Kumuha kasi ako ng private investigator dahil may kumidnap sa fiance kong si Alex, kahit alam ko naman talaga kung sino ang may kagagawan non, I just, arggg! I hate this! Hindi ako mapakali. Lakas ng tibok ng puso ko, kasing lakas ng pag tikom ng aking kamao ngayon habang naghihintay ng sagot sa kabilang linya.

Wala naman akong magawa, ang hirap mag hintay. Nakakadrain mag overthink but I still need to calm myself. Baka kasi mamaya makapatay nalang ako ng kung sino man dito. Ang dami na kasing lumalapit na tao dito, lalake at babae dahil nandito ako sa bar para mag relax pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

"Hi miss."

Pailalim kong tinignan ang kaawa awang nilalang nag nagtanong sakin sa bandang gilid. Isang babaeng nakangiti, pero biglang nawala ngiti nya nung magtama ang aming mga mata. Napalunok pa sya at halatang namutla.

"Hmmn, I-i..." Mautal utal nyang sabi at napatingin sa hawak nyang bote ng alak at isang baso. Balak yata nya akong tabihan.

I raised a brow, a gesture na ituloy nya kung ano man ang gusto nyang sabihin pero tingin ko, pinangunahan na sya ng takot.

Hindi na sya nakaimik at bigla nalang tumalikod at umalis. Well, good for her. She made the right choice, kesa sya mapag diskitahan ko. Ang init pa naman ng ulo ko ngayon.

"Hmmn." Antonio cleared his throat. Kilala nya ako magalit, lalo kung wala syang sasabihing maganda. "Ma'am hindi ko pa po alam kung saan ang location ng fiance nyo--"

"Damn you! Kill yourself now or else--"

"Pero alam ko po kung sino ang huli nyang kasama." Halata pa rin ang takot sa boses nya.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Lumunok ng ilang ulit para kalmahin ang sarili ko sa sobrang inis na nararamdaman.

"Who?" I finally asked.

"Si Dylan Mercado po." Sagot ng kausap ko sa kabilang linya.

Di naman ako nagulat, pero bakit ganon? Nabwisit lang ako lalo. I gave that stupid, carefree girl a benefit of doubt. Na hindi nya gagawin iyong iniisip ko na sya mismo ang mag tra-traydor sakin dahil alam na alam ko naman, takot sya sakin. Hindi ko iniisip na gagawa sya ng ikakagalit ko.

Pero ano to? Heto na naman sya, gumawa na naman ng kabobohan at kapalpakan. What should I expect nga naman? Maganda lang si Dylan pero pustahan tayo, mahina utak nyan. I hate her being so carefree and loud. Walang disiplina sa sarili. Maglalasing kung kelan nya gusto.

Nakakaturn off!

"Ma'am?" Tanong ni Antonio. Oo nga pala, kausap ko pa ang tao ko.

"Ano?" Pasinghal na sabi ko.

"Dinampot po namin si Ms. Mercado. Dinala namin sa secret place--"

"What!?" Napatayo ako buhat sa pagkakaupo. Napatingin pa sakin ang mga tao sa paligid sa biglaan kong pag tataas ng boses kahit maingay naman ang music.

Ang bilis mag taas baba ng aking dibdib buhat sa aking narinig.

"You what?!" Not minding their stares, malakas pa rin ang boses kong inusisa ang tao ko. Tikom ang kamao habang pilit pa rin pinapakalma ang sarili.

Antonio cleared his throat. Halatang kinakabahan. "M-ma'am, d-dinala po namin si Ms. Mercado sa--"

"Kinidnap--" I lowered down my voice. "Dinukot nyo si Dylan? Bakit?!"

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon