Quin-10

3.2K 263 115
                                    

Q-10

Quin

"You just have to let the light in."

Parang nag e-echo sa tenga ko ang katagang ito na iniwan sakin ni Kaylee paulit ulit. She's right, we're shinning shattered pieces, only glitters when we let the light in. And no one wants shattered pieces kung pwede naman silang pumili at magkaroon ng buo di ba?

Brand new. Never been used, and abused.

But I'm just shattered pieces functioning as if I was never broken.

Kakatapos ko lang makipag usap sa legal counsel ng isang kumpanya na nagdedemand ng kabayaran for breach of contract pa rin dahil pa rin sa hindi namin natuloy na kasal ni Alex. Masyado kasing malaki ang hinihingi nilang bayad kaya hindi ko pa ito nasettle agad. Masyado ring mahirap makipag usap sa mga ito dahil palaki ng palaki ang kabayaran na gusto nila.

Okay na sana yung maningil sila, ang nakakainis lang ay yung paulit ulit nilang ipakalat sa socmed kung gaano ako ka-inefficient na manager, na negosyante, o na tao, at paulit ulit nilang sabihin at ipagkalat na deserve kong iwan ng sikat na modelo dahil sa ugali ko.

Marami tuloy sa ibang kliyente ko ang ayaw na makipag transact sakin. Pakonti tuloy ng pakonti ang nakukuha kong deals kaya kaylangan kong mas lalong sipagan sa trabaho.

When in fact, wala naman akong masamang ginawa sa kanila, except sa hindi ko agad nasettle ang 50 million na hinihingi nilang penalty for breach of contract.

And here I am, nasa bar. Gusto ko lang munang magpahinga sa trabaho, at sa lahat. Gusto ko lang magpakamanhid kahit sandali lang sa sinasabi sakin ng mundo. Ayaw kong paapekto pero bakit ayaw din nila akong tigilan?

"Girl si Cevantes!" Narinig kong tili ng babae sa bandang likod ko na hindi ko pinag kaabalahan pang lingonin.

"Di ka pa nadala? Bakit ba gustong gusto nyo yan as if heathrob ang babaeng yan? Kaya lang naman yan nakilala kasi iniwan ng fiance nya di ba? Saka di ba, sya yung usap usapan na ginagamit ang mga modelo nya sa kama para lang bigyan ng kontrata?"

"Tama, baka may sakit nga yan kasi ginagawa daw pokpok ang mga modelo nya, mahawa ka pa."

"Ang kapal nga ng mukha na dumikit kay Kaylee Montello eh di naman nya ka-level yon. Hello? Rockefeller-Carriedo yon, baka perahan nya lang si Kaylee!"

I closed my eyes. Gusto kong sumigaw na tama na. Na pwede bang wag nalang nila akong pakialamanan? Na hayaan lang nila akong makapag pahinga kahit saglit lang?

I sighed saka uminom ng alak sa baso ko. Hindi na rin kasi bago sakin ang mga ganitong parinig ng marami. Sanay na ako kahit nung estudyante palang ako na kinamumuhian ng iba. Pinandidirihang lapitan dahil daw masama ang ugali ko.

Pero kahit ganon, marami pa rin na gustong tumabi sakin at ayaing mag hook up, pero dahil wala ako sa mood, dinidismiss ko lang sila.

I just want to be alone. Hindi na nga ako nakakapag isa sa bahay dahil may housemate na akong sobrang kulit at daldal, kaya kahit sana dito, ay maging mapag isa ako.

Hanggang sa may namataan ako sa gilid na table na isang pamilyar na babae. Titig na titig ako sa kanyang mukha at hindi makapaniwala na totoo pala ang nababalitaan kong buhay at nagbalik na sya. Pero bakit?

May kausap itong isang lalake sa table nito at dahil hindi pa naman maingay sa lugar, ay pasimple kong pinakinggan ang kanilang usapan.

"I need my sister's money para masolve ang mga problema ko." I heard Sam told the guy na katabi nito. Nakahawak pa sya sa magkabilang sentido at parang problemado.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon