Quin-28

3.5K 274 60
                                    

Q-28

Quin

"San ka pupunta?"

Nagulat na naman ako kay Dylan, bigla bigla nalang sumusulpot mula sa kung saan.

"Papasok?" Tinaasan ko ito ng kilay nang mapansin na nakabihis din ito. "San ka pupunta? Kakausapin mo na si Athena?"

"Mamaya pang dinner yon. Tinext ko na sya." Saka pumunta sa table ko kung saan nakaopen pa ang laptop. Sya na ang nagtiklop noon at maayos na inilagay sa bag. Pati na rin ang charger, organizer at ilan sa mga gamit ko.

"Bakit nakabihis ka na? Saan ka pupunta?" Tanong ko dito habang pinapanood syang ihanda ang mga gagamitin ko papasok.

Sumulyap ito sakin ng may ngisi sa mukha. "Sasama sayo."

Napaisang linya ang labi ko kasabay ng seryosong tingin. Hindi ito ang isang beses na nagtangka itong sumama sakin sa trabaho o kung saan man ang lakad ko. Hindi ako pumapayag dahil ayaw kong maabala.

"Hindi pwede." Nilapitan ko ito at kinuha ang bag ko. "Dito ka nalang. Mag pahinga ka. Maglinis ka ng bahay, o kung ano gusto mong gawin. Susunduin nalang kita mamaya." Saka ako tumalikod pero bigla ring napapihit dahil hindi maialis sa paningin ko ang maamo nyang mata na may kasamang lungkot lalo nung hablotin ko sa kamay nya ang itim na bag na handa sana nyang bitbitin kung isasama ko sya.

Nung humarap ulit ako sa kanya, ganon pa rin ang tingin na binibigay nya sakin.

Napabuntong hininga ako. "Bakit mo gustong sumama? Stressful ang schedule today. May fashion show, may audition din. May screening ng mga bagong modelo, at lahat dapat matapos ngayong araw."

"Tutulungan kita. Manonood ako. Mag aassist. Utusan mo ko if you want. Or paupuin sa isang sulok. I won't mind. I could be whatever you...want me to b-be..." Her voice faltered. May lungkot. May gustong ipahiwatig.

Kaya mas lalo akong lumapit at iniangat ang baba nya para mag pantay ang tingin naming dalawa.  "What?"

Tinabig lang nito ang kamay kong nakahawak sa baba nya. "Gusto kong malaman kung paano ka sa trabaho. Baka di ka na pala kumakain. Ano yung usual mong ginagawa, sinong mga kasama mo. Naasikaso mo pa ba ang sarili mo? Ang payat mo na kasi, baka di ka na kumakain ng maayos pag nasa labas."

Napakunot ang noo ko at naghalukipkip. "Of course, kumakain ako ng maayos--"

"Dapat lang! Kahit nasa labas ka. O pag dito sa bahay. Kahit wala nang magluluto sayo at maghahanda ng pagkain mo. Sana, kumain ka pa rin ng maayos."

Natigilan ako at napatitig ng mabuti sa kanyang mga mata. Sa sinabi ni Dylan, may napansin akong isang bagay. As sweet as it sounds, hindi ganon ang ibig nitong sabihin.

Sinulyapan ko ito ng isa pang beses at hinawakan ang likod ng ulo para ilapit sya sakin. Hinalikan ko sya sa noo. "Aalis na ko."

Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko na sya tinignan pero alam kong sumusunod sya sakin dahil sa yabag ng mga paa nya. Hinayaan ko nalang ito dahil baka ihahatid lang ako nito hanggang sa pinto ng unit.

Pero hindi. Hanggang makarating ako sa parking, nakasunod sakin si Dylan.

Pagsakay ko ng kotse, sya ring pag sakay niya at pag tabi sakin sa harap.

Tumingin ako sa kanya. "Ang kulit mo! Di ba sabi ko dun ka nalang sa bahay? Kung gusto mo heto..." Naglabas ako ng credit card mula sa wallet ko. "...magshopping ka sa mall. Or do whatever you like. Basta wag mo kong istorbohin sa trabaho kasi wala kang maitutulong doon!"

Hindi ko matandaan kung kelan ko ito huling nasungitan ng seryoso. Siguro ay ilang buwan na rin ang nakakaraan at maging ako ay nagulat sa bigla kong pagtataboy sa kanya. Napaka simple lang naman ng gusto nito, ang sumama sakin. Kaso bigla akong nainis at nawala sa mood.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon