Quin-27

3.4K 261 44
                                    

Q-27

Quin

I looked at my smart watch, it's 6:30 in the morning. I think my one hour jog is enough. Pawis na pawis na rin naman ako kahit kaya ko pang mag extend ng jogging ngayong umaga.

Nag stretch pa ako ng kaunti habang nandito ngayon sa park bago ako umuwi para maligo at magbihis. Just when I decided to walk my way home, doon ko naman nakasalubong, or sinadyang abangan? I'm not sure pero sa ayos ngayon ni Athena, mukang hindi sya nag jogging tulad ng ibang tao dito sa lugar at sa ganitong oras pa.

She's wearing casual clothes, parang pupunta lang sa mall or coffee shop. Nakaka-cup ng white. Nakatingin sakin kahit malayo pa ako.

Napahinto ako sa paglalakad at nakipagtitigan dito. Naghihintay kung sino sa amin ang unang magsasalita.

She cleared her throat at napatingin sa sementadong kinatatayuan ko, bago mag angat ng tingin ulit sakin.

"How are you?"

Ngumiti ako ng nakakainsulto dito kasabay ng pagpupunas ko ng pawis sa leeg. "Dylan's fine."

Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at tila napahiya. "Yeah, I guess she's fine."

"What is it Athena? Nagkataon lang ba ito? O talagang inabangan mo ko?" I asked her.

"Uhm, I saw you running habang nasa coffee shop ako. So, yeah? Inabangan kita." Sagot nya.

"Bakit?"

Napakamot sya sa sentido at halatang may gustong sabihin na tila nag aalangan na sabihin. "I need to talk to Dylan. Bring me to her."

Muli ay ngumiti ako ng sarkastiko dito. "Kelan kayo huling nagkita? Oh, nung time na tinapon mo sa basurahan yung pagkain na dinala nya sayo? Right, right." Saka ako tumango tango. "Matagal tagal na nga. What is it this time ate Athena?" Binigyang diin ko pa yung word na ate.

Bahagya itong napayuko at halatang napahiya ulit. "She's still my sister, Quin. I...we need her in our company now. Maybe it's about time for her to come back."

I smile at her. "How about the 90 million? Hmmn?"

"Alam mong hindi naman seryoso--"

"Oh, let me guess. May kontrata kang nakuha para sa perfume line na inilabas nya na hindi nyo sinuportahan right? And that contract is worth, 400 million? Kaya mo kaylangan si Dylan? Am I right? Or Am I right?"

Nanlaki ang kanyang mga mata at halata ang pagkagulat kung bakit alam na alam ko ang impormasyon na iyon. She clenched her jaw and her fist turned to a ball. I know her company is not in good shape right now. Nag alisan ang mga endorsers nila. Ang ilan sa mga modelong binabayaran nila ay nasira ang pangalan dahil sa eskandalo ng isang clothing brand na may hindi magandang tema. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako sumali sa kontrata ng nasabing clothing brand na iyon.

At ngayon, nagkaroon iyon ng domino effect. Pati clothing line nila ay nadamay.

That's why, they need to introduce new product and that is perfume na si Dylan mismo ang nagdevelop dati pa.

The reason why they need Dylan now.

"How.Did.You.Know. about that?" Gigil na tanong nito na hindi inaalis sa mga mata ko ang tingin.

I smirked. "Gulat ka ba? Malay mo, mas marami pa pala akong alam Athena."

This time, ngumiti sya pero halata ang gigil at inis. "Tama nga talaga sila, lahat na sinasabi sayo. Sira ulo at psychopath ka nga Quin." Saka sya napailing. "Ibalik mo na sakin si Dylan bago pa sya madamay ng pagiging obsessed mo.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon