Quin-34

3.5K 283 92
                                    

Q-34

Dylan

"Tapos na ang meeting mo?"

Naka loud speaker ang phone ko habang nagmamaneho para sunduin si Quin sa opisina nya. Itong kotseng gamit ko, isa sa mga kotse nya din. Buti nga at hindi nagalit nung malaman na pinakialaman ko na

"Oo? Are you sure na susunduin mo ko? May dala rin kasi akong sasakyan." Sagot nito sa kabilang linya.

"Sakto, malapit na ko. Hintayin mo nalang ako sa lobby."

Kumpleto na lahat ng nasa listahan ko. Pati mga damit ni Quin nakaayos na sa isang bag. May tiwala naman ako sa kakayahan ni Alex pag dating sa pag aayos at pag aasikaso ng iba pang kaylangan. Sabi nya, expert naman sya pag dating sa mga ganitong bagay kaya isa nalang ang problema ko ngayon, iyon ay maisama si Quin sa outing na ako na mismo ang nagplano, total nag iinarte sya.

Sana ay hindi ito magalit pag nalaman na hindi sa bahay ang derecho namin kundi sa ibang lugar. Napaka sungit pa naman non pag na bad trip.

Napangiti ako pag hinto sa lobby ng building. Kitang kita kasi si Quin na prenteng nakaupo sa couch habang nag titipa sa cellphone. Hindi naman ito mukang naiinip. Mukha lang itong naglilibang ng sarili sa pag browse o pagbabasa ng kung ano.

I dialed her number at hindi ko mailalis yung tingin ko sa kanya. Napangiti ako nung nakitang nagliwanag ang mukha nito nung tumawag na ako.

"Nandito na ko!" Sabi ko agad pag sagot palang nya ng tawag.

At kahit sa malayo, kitang kita ko ang pag silay ng mumunting ngiti sa kanyang labi.

Sa halip na sumagot at inilinga nalang nito ang paningin sa labas at nung makilala ang sasakyan nya na gamit ko, ay nagsimula na itong mag lakad patungo sakin.

I'm happy. Tonight, I wanna make the most of this retreat. Talagang dinadasal ko lang na walang kapalpakan si Alex sa pag book at pagpili ng glamping site na pupuntahan namin ni Quin ngayon.

Pag pasok nya ng sasakyan, nagtataka ako dahil hinaplos nya ang noo ko.

"Why?"

"Wala ka namang lagnat. Bakit naisip mo akong sunduin?" Habang nag kakabit sya ng seatbelt.

And this is entirely new to us. Yung ako ang nasa driver seat tas sya ang passenger.

"Duh? Paano kita susunduin, wala naman akong kotse? Kung sasakyan mo ang gagamitin ko, mukha naman akong driver mo na sinasahuran mo lang."

Quin chuckled. "Where do you wanna eat? Hmm?"

Napatingin ako sa kanya. "Are you asking me out on a date Ms. Cervantes?"

Mag lumawak yung ngiti nya, or should I say, tawa nya. "Masyado kang nag iimagine ng kung ano ano Dylan. Hindi ba pwedeng gutom lang ako? At ikaw bilang driver ko, ililibre naman kita ng dinner, wag kang mag alala."

Napalabi ako sa sagot nya. Kikiligin na sana ako eh, ang galing lang talaga mambasag.

"Gutom na gutom ka na ba talaga?"

Okay lang naman na kumain sa labas pero matagal pa iyon. May hinanda naman kasi ako na dinner na pagsasaluhan namin mamaya sa site.

"Yeah. Sa sobrang gutom ko, baka ikaw na ang makain ko."

Sinimangutan ko nga sya. "Seryoso kasi! Pwede naman daan nalang tayo ng drive thru kung gutom ka na."

"Bakit ayaw mong kumain tayo sa labas?"

Napakagat tuloy ako sa labi. Balak ko sana na mag maneho nalang basta papunta sa site nang hindi sinasabi sa kanya kung saan kami pupunta.

"Bili nalang tayo ng food mo kahit sandwich lang. May hinanda kasi akong dinner para satin." Sagot ko dito.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon