Quin-16

3K 236 60
                                    

Quin

"Fuck!" Naiiritang ibinaba ko yung hawak kong fountain pen sa mesa at saka mariing napahawak sa noo.

Sumasakit talaga yung ulo ko. Kung dahil sa ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos o dahil sa nagigising na lang ako sa madaling-araw na nilalamig at tanging madilim at bakanteng espasyo lang ng kama yung sumasalubong sakin pagmulat ko ng mata, hindi ko alam.

Maybe this is the after effect of what's going on with my life right now.

My hands are full. I'm tied with a lot of responsibilities, projects, and contracts. Bukod pa sa mga inaasikaso ko noong hindi natuloy yung kasal namin ni Alex, na dinagdagan pa ng mga isyu na may kinalaman sa kontratang tinanggihan ko para sa mga modelo ko na wala namang ginawa kung hindi sisihin ako at magreklamo gayung sila na nga at yung kapakanan nila yung inintindi at iniisip ko.

But great! You can't expect stupid people to understand things that are beyond the capacity of their pea-sized brain to comprehend.

Naiinis na sinandal ko yung likod ko sa backrest ng swivel chair.

Truth is, I'm tired. I'm fed up. Gusto ko na lang mawala at takbuhan lahat ng mga problema at mga batikos na ibinabato sakin ngayon.

I'm running out of options. Madami akong modelo na nagsisialisan. They were thinking that firing me as their manager will bring them any good chance in the modeling industry.

Tsk. Akala nila ganoon lang kadali. Hindi nila alam yung kalakaran at gaano nakakasuka yung galawan sa industriyang pinasok nila.

Tapos isa pa yan si Dylan sa mga nag-iinarte nitong mga nakaraan. Panay ang iwas. Sa tuwing darating ako ng bahay ay laging nakatago na sa kwarto nya. At pag-aalis naman ako para pumasok ng opisina, ay nakakulong pa din o di kaya naman ay nakaalis na ng bahay.

If there's any consolation, there's always food prepared on the table everytime. Iinitin na lang. At least nakakabawas iyon sa mga iisipin ko pa. Kasi mas madalas sa hindi, pati pagkain kinatatamaran ko pa. Kaya pag nakikita ko na may pagkain sa mesa, mapipilitan tuloy akong kumain para hindi masayang.

I always had this feeling that I am always running out of time. Lahat gusto kong matapos agad. Parang lahat na lang ng gawin ko, nauubos yung oras ko kaya laging kailangan kong bilisan. O kung hindi naman ay pagsabay-sabayin na lang lahat para naman masulit ko yung ginagawa ko at hindi ako masayangan sa oras.

It's as if stopping for a moment to breathe is even a waste of time.

Just like what I am exactly doing right now.

Goodness, please stop time from ticking too fast. I've got lots to do. 

Minsan napapaisip ako kung bakit ba ako nagpapakahirap ng ganito. Why am I working so hard? What for? To whom am I doing this for? I've got no kids. No wife. Wala naman akong binubuhay na pamilya.

And if there's anything that I could think of, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Yung hindi umaasa sa iba. That instead of choosing the easy path, I can brag to myself that I am successful because of my own choices and not because of what was handed on me by my mother.

At kung sakali man na magkamali ako sa mga ginagawa at desisyon ko sa buhay, wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko kasi ako yung pumili noon.

But what if I did? What if nagkamali na nga ako sa mga desisyon ko?

Paano kung mali pala na pinakawalan ko noon si Alex? Would I be happy right now? Hindi ba ako ganito ngayon na puro problema? Maybe we are now considering having kids. Yung may sasalubong sakin at excited sa pag-uwi ko at mangungulit na huwag muna akong pumasok sa opisina para lang makipaglaro sa kanila.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon