Quin-22

3.9K 266 56
                                    

Q-22

DYLAN

"Alex may bagong movie ngayon. May ticket ako, pang tatlo, nood tayo ng sine! Isama mo nalang si Quin!" Masayang paanyaya ko kay Alex matapos ang mga exams at ngayon ay umpisa na ng semestral break.

"Ah...ano Dy.." Nagkakamot sya ng batok at tila hindi maisip ang pwedeng idahilan. "Kasi, hindi kasi kami pwede ngayon eh. May pupuntahan--"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin ng bigla syang akbayan ni Quin sabay halik sa pisngi nito na ikinagulat nya. At ganon lang din kabilis mapalitan ng ngiti sa labi nung makita nito ang kanyang nobya.

Bigla tuloy akong nailang at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, o kung ano ang nararamdaman ko everytime makikita ko silang magkasama at ganito ka-sweet.

Hindi naman ako tutol sa relasyon nila, bestfriend ko si Alex at mahal ko ang kaibigan ko, at nakikita ko rin na mahal at inaalagaan din sya ni Quin.

Pero hindi ko talaga alam kung bakit may kirot akong nararamdaman pag nakikita silang ganito. Yung parang gusto kong maiyak at magmukmok sa sulok.

"Tired?" Quin asked Alex habang pinapahid ang pawis nito sa noo, making sure na walang pawis ang isa maging sa mga baby hair ni Alex, pinupunasan nito ng dala nitong panyo.

Pinapawisan din naman ako, at mas malala pa nga, pero bakit sakin? Walang nagpupunas at nagtatanong kung pagod din ba ako?

"Let's go?" Quin asked Alex again.

I see. May lakad na naman sila ng silang dalawa lang. Napayuko tuloy ako at napatingin sa cinema tickets ko na pinag ipunan ko pa para mabili. I bit my lower lip, I guess, tatlong araw akong manonood ng sine mag isa.

"Hmm." Pagtango ni Alex. "Dy, una na kami ha? Sorry talaga, next time nalang tayo manood ng sine."

I gave Alex a nod. Ngumiti rin ako para pilit pagtakpan yung lungkot ko. "Okay lang sus. Saka libre lang naman tong ticket, kahit di ko magamit, okay lang." Pagsisinungaling ko.

Alex took at deep sigh. "Okay. Dadalawin nalang kita pag may time ha? I love you besfriend." Niyakap nya ako. At sa pag yakap na yon, nag tama tuloy ang paningin namin ni Quin na nakatayo sa likod nya. Noong una, nag alala ako dahil baka pag selosan ako nito sa pag yakap sakin ng gf nya. Pero wala akong nakikitang selos o kung ano man sa mukha nya. Para lang itong seryosong nakatingin, hinihimay ang kaluluwa ng kahit sinong matitigan nya.

"Sige Alex. Ingat." Sabi ko sa kaibigan ko. Sinadya kong hindi pansinin si Quin.

Ako na din mismo ang nang iwan sa kanila at nagsimulang mag lakad sa mahabang hallway patungo sa exit. Sila naman ay siguradong patungo sa parking lot.

Malungkot akong nag lalakad. Sinasadya ko pang sipain ang ilang tuyong dahon na hinangin sa mismong nilalakaran ko. Mainit ang panahon kasi buwan ng Abril, pero mahangin sa ganitong oras.

But before I reach the exit gate, huminto ang sasakyan ni Alex at Quin.

"Dy, sakay na!" Sigaw ni Alex sa nakababang car window.

"Una na kayo. Lalakad nalang ako pauwi."

"Sakay na dali! Sasama ka na samin!" Sigaw ni Alex ulit at halatang excited.

"Ha?"

"Sakay na!"

At kahit nag aalinlangan, sumakay nalang din ako. Mag isa akong nakasakay sa likod at sila ni Quin sa harap.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon