Quin-37

3.4K 228 33
                                    

Q-37

Dylan

Nagising ako na ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang pait ng panlasa ko at masakit ang ulo. Tumayo ako para magtungo sa banyo at bag lakad ng hindi manlang maidilat ang mata. Kabisado ko naman kasi kung ilang hakbang ang layo ng pinto ng CR sa room ko.

Isang pagkakamali na tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. "Ouch!" Napahilot pa ko habang kinakapa ng kamay ko ang door knob. Nakakapag takang ilang segundo ko pa bago nahanap ito and finally, nakapasok na ako sa cr.

Pero pagbukas ko ng ilaw, doon ko napag tanto na iba ang CR na ito kumpara sa banyo ko sa bahay. Sigurado ako dahil sa ibang kulay ng tiles pati na ang loob nito.

"Sssheeesh!" Napahilot ako sa sentido habang nakaupo sa bowl at pilit inaalala ang nangyari kagabi. Nasa party ako ng pinaka sikat na cheer leader at pagkakatanda ko, kasama ko ang mga cool kids sa school. Tama! Baka nasa bahay ako ng isa sa kanila dahil sa sobrang kalasingan..

Pag labas ko ng CR, nahiga ulit ako sa bed. It's 4am ayon sa orasan at dahil madilim pa, mas minabuti ko pang matulog  muna. Naghanap pa ako ng unan sa bed dahil sanay ako na palaging nakayakap at pinapalibutan ng unan.

Pero ang malambot na bagay na pinatungan ko ng legs ko, mainit at parang gumagalaw kaya bigla akong napaatras at napaupo. Agad kong binuksan ang lamp shade at hindi nga ako nagkakamali, may tao akong katabi. Madilim ang room kaya hindi ko maaninag kung sino pero alam kong babae sya dahil mahaba ang buhok. Bahagyang naka side ang mukha nya sa kabila kaya lumapit pa ako habang makita ko na ang side view nya.

Ang tangos ng ilong at ang kinis ng mukha. Alam kong maganda sya pero sino ba ito? Halos daganan ko na ito para abutin ang lamp shade sa kabilang side at dagdagan ang liwanag at nung mabuksan ako ito, doon ko napagtanto kung sino sya. At doon ko na rin napagtanto na nakapatong ako halos sa kanya. Nakasupport lang ang kamay ko sa gilid para di ito tuluyang magising at mabigatan sakin.

Dali dali akong umatras. Tinapik tapik ang aking pisngi para magising kung panaginip lang ba ito. Imposible kasi ang nakikita ko ngayon. Bakit katabi ko si Quin at nasa bahay nya ba kami? Papaanong nangyari yon?

Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba ito o hahanapin ang papalabas para tumakas pero mas matimbang ang takot kong umuwi ng ganitong oras dahil alam kong delikado sa gabi. Hindi ko rin alam kung may masasakyan ba ako pauwi. At mas lalong hindi ko alam kung nasan ako. Hindi ko kasi kabisado at kanila kahit alam kong kapitbahay lang sila ni Alex.

Ang tagal kong tinititigan ang himbing na si Quin. Bibihira kasi ang pagkakataon na makalapit ako sa isang ito. Daig pa nito ang ibon na mailap. Kay Alex lang ito lumalapit at halatang walang ibang gustong maging kaibigan kundi si Alex lang.

Sa school, madalas ko rin syang pagmasdan. Naaamaze kasi ako sa kanya. Magaling sya sa klase, pero ayaw nyang makipag compete. Magaling sya sa sports pero parang di sya interesado. Parating tahimik. Isa lang ata ang alam kong sinalihan ni Quin, iyon ang beauty pagent sa school and she slay it.

Kaya nakakapag taka kung bakit kami magkasama ngayon gayong di ko matandaan na nandun din sya sa party. At kung magigising sya, malamang, sermonan ako at palayasin. Paniguradong magagalit sakin ito lalot nandito ako sa bahay nila. Di bale. Bukas ko nalang iisipin kung paano ako tatakas sa babaeng ito. Inoff ko na ulit ang mga lamp shades at nahiga na para ituloy ang pag tuloy.

Sa muli kong pag gising, maliwanag na. Pero wala na rin ang katabi ko kagabi. Iba na nga rin ang damit ko. Ang suot ko kagabi ay nakapatong sa upuan sa gilid.

Mabilis akong kumilos at nagbihis. Malinis pa naman suot ko kagabi, mabango rin at ang tanging hangad ko ay makalabas ng bahay na ito ng hindi nagpapaalam sa may ari.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon