Quin-2

3.6K 249 199
                                    

Q-2

Dylan

Kasal ni Alex ngayon pero ang atensyon ko ay nasa isang babaeng balak yatang maging ninja of the century. Kanina pa kasi ito tago ng tago, pasilip silip at pilit na ikinukubi ang sarili para hindi ito mapansin ng media ng ng ibang mga tao sa paligid.

She can hide herself to everyone, but me. Alam na alam ko naman kung sino sya. Nag suot pa sya ng cap, at nag damit ng simple para hindi ito mapansin. I understand her naman, siguro ay gusto lang talaga nitong sumilip at sa huling pagkakataon ay makitang masaya na ang taong buong buhay nyang minahal, walang iba kundi ang bestfriend ko.

"Wait, penge pa." Pinahinto ko ang isang server na may dalang tray ng mga cocktails at isinauli ang empty glass, kumuha na rin ako ng bagong baso na may laman na alak.

Pero pag tingin ko ulit sa direksyon ni Quin, wala na ito sa kinukublihan nya. I sighed. Alam kong mahirap yon sa kanya.

I see how hurt she was kanina, lalo nung makita nya si Alex na nakangiti ng wagas habang naglalakad si Xera sa altar.  Hindi nga nya natapos at bigla nalang itong tumalikod at umalis.

Akala ko ay hindi na ito magpapakita pero heto, sumilip na naman ito sa venue.

"Babe!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nagulat nang bigla nalang itong yumakap. Napangiti nalang ako dahil ramdam ko kung gaano kasaya si Alex ngayong araw na ito.

"Congratulations Alex." I cupped her face, tinapik tapik ko pa, a gesture for a job well done, an end of a journey and a start of another chapter in her life. And I'm so proud of my bestfriend that finally, I know she'll be happy. Really happy with her wife.

"Yeah, thank you. Gosh, finally. Alam mo ba? Mabait naman pala si mama Isabelle? Bati na kame, tapos ang bait bait ni mommy Trish. Ang swerte ko talaga babe!" Pagmamalaki nito. Her eyes glitters in joy and gladness.

Pero bakit ganon? Masaya ako kay Alex pero hindi mawala sa isip ko yung babaeng nagpapaka ninja para lang pagtakpan yung lungkot sa kanyang mukha. Masaya ako kay Alex at alam kong araw nya ito, pero balak ko nang umalis para hanapin si Quin.

Ano kasi, baka ano.

Baka malungkot iyon. Tapos wala syang kasama.

Yeah. Iyon lang.

Marami namang kasama si Alex ngayon. Siguro, maiintindihan naman nito kung aalis na ako ng mas maaga.

"Yes Alex, kaya please lang!" Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang pisngi nya kasi ang likot likot, baka masira make up nya sa sobrang tuwa. "...be matured now okay? Be a good wife to Xera. Be a good daughter to your inlaws, and sister to Cielo. I know you can do that."

She nods her head. "Noted. Kahit di mo sabihin, gagawin ko naman."

I nod in agreement too. "Uhm, Alex pala ano...ahm, can I, can I go now?"

Her mouth gaped open. Pero bigla rin itong nakakaunawang tumango. Saka napatingin sa palagid na animo'y may hinahanap.

"Okay." She sighed. Then she managed to smile. "Dylan, please take care of her." Saka sya napayuko. Pero mabilis din itong bumawi at ngumiti. "And Dylan..." She bit her lower lip at parang pipiyok yung boses habang nakahawak ang kamay sa braso ko. "...please tell her, I want her to be happy too. Ayaw naman nya akong harapin kaya ikaw nalang mag sabi." Saka sya ngumiti ulit. "Alright, you may go now."

"Wait, hindi naman kami magkikita--"

"Sheesh." She cuts me off. "I know you're gonna find your way to her. Go now Dy. Tsoo!" She smiled saka tumalikod at patakbong lumapit sa pwesto nila Xera.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon