Quin-31

3.5K 265 57
                                    

Q-31

Quin

"Wag mo na pala akong ihatid."

Napatingin ako kay Dylan na habang isinusukbit ang maliit nyang bag. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa at napaupo ng maayos sa couch na inuupuan ko dito sa kwarto nya. Ibang iba kasi ang bihis nya ngayon kumpara sa normal na bihis nito. She's wearing a suit, brown blazer and pants and paired with black turtle neck.

Kahit naka suit, ang sexy and sophisticated pa ring tignan. Tipong di mo kayang bastusin dahil mukha syang kagalang galang, and sexy at the same time.

Hindi lang ako napaupo ng maayos, napa tayo na rin ako pagkatapos ko syang titigan.  Umangat din ang sulok ng mga labi ko dahilan para mas concious sya at tignan ang sarili nito.

"Hindi ba bagay? Dapat ba mag dress nalang ako?"

I smiled. "You look great." Tumango pa ako at bahagyang lumapit.

Nakaayos pa yung buhok nya at naka make up ng simple. Lumabas tuloy ang natural nyang ganda.

"Talaga? Bakit ganyan ka makatitig? May mali ba sa suot ko? Pwede naman akong mag palit."

Kaagad akong umiling. "No. You're perfect Dy."

Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

"Sige na, wag mo na pala akong ihatid. Mag grab car nalang ako." Saka ito tumingin sa oras at naglakad palabas sa kwarto nya pero agad ko itong nahabol.

"Wala akong schedule today." Bukod sa bantayan ka. Gusto ko sanang idugtong kasi first day nya ulit babalik sa kumpanya nila. Medyo duda pa ako na baka hindi nya kayaning mag isa o baka mabigla sya sa daratnan nya. But by the looks of her, mukhang kaya na nyang mag isa.

"Okay lang ako Quin. Kaya ko na, no need to adjust your schedule for me. No need for you to babysit me today." She sighed. "This is what I'm supposed to be doing all this time. Yung masanay na tumayo mag isa. You've been a lot of help to me these past months. Now, I just..."

"Don't want to bother me anymore?" I cut her off.

"No. Gusto ko lang magsimula ulit." She bit her lower lip which makes her cute. Halata namang kinakabahan. Halata namang gusto nya rin akong kasama pero nagpapanggap na matapang. Sheesh, ang sarap nyang hilahin sa bewang at itali sakin na akala mo may aagaw sa kanyang iba.

Bago ko buksan ang pinto palabas ng bahay, hinarap ko muna sya. "Slay."

Napangiti sya at napailing. "Sakto lang. For sure naman si ate Athena pa rin mag dedecide sa lahat at susunod lang ako. Wala naman akong masyadong gagawin."

I smirked.

"Bakit?"

I shook my head. "Wala." Saka ko sya inakbayan, yung akbay na parang sa mag tropang lasing. Dun ko nalang idinaan yung gigil ko dahil kung hindi, baka masayang lang yung magandang bihis nya at matanggal bigla sa katawan nya. Pag nagkataon, baka kalbuhin na ako ng ate nya pag di ito naka sipot sa contract signing ngayong araw.

"My baby is a big girl na..." Mahina kong sabi sabay hila sa ulo nito para aking halikan.

"Ha?"

Kunyare pa nya hindi narinig but the way she's blushing right now, alam kong narinig nya iyon.

"Dala mo na laptop mo? Nareview mo na ba yung draft ng proposals na sinend sayo ng ate mo? Kung aabutan ng lunch at wala kang kasabay, tawagan mo ako mamaya para sabay tayo. Nasa taas lang din naman ang opisina ko." Bilin ko dito.

"Geeez, oo na! Prepared na ko. Para naman akong bata na first time papasok sa kindergarten kung makapag bilin ka ah." Sagot nito sakin.

I held her hands. "As weird as it sounds..." Saka ako tumingin sa kanya na nakatingala, naghihintay ng sasabihin ko. "...pakiramdam ko ngayong araw, mawawala ka na sakin."

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon