CHAPTER TWO

281 13 6
                                    


__
GENERAL POV

__
Muling umere ang show matapos mag-anunsyo ng panandaliang commercial break si Jhong.

__
Sa kabilang dako, si Kim at Jackie ay naatasan na sabihan ang COO ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at ang Manager ni Vice na si Deo Endrinal tungkol sa mga nangyari kanina. Hawak na ni Jackie ang kanyang telepono, kanina pa sinusubukang tawagan ang manager ni Vice, habang si Kim naman ay abala rin sa pag-tawag sa COO ng kanilang network.

__
"Hello po, Tita Cory. Si Kim po ito." matapos ng tatlong ring ay sumagot na rin ang huli. Hindi mapakali si Kim sa kaniyang kinauupuan habang kausap ang kanilang boss.

__
"Oh, Kim. Napatawag ka? May problema ba?" sagot ng huli sa kabilang linya. Mistulang may naka-barang kung ano sa lalamunan ni Kim dahil hindi ito makapag-salita ng deretso. "Umh- O-opo eh. Hindi ko po alam kung nakita n'yo po sa live kanina, pero... Si Mama Vice po kase isinugod sa hospital." panimula nito. "WHAT?!" Gulantang na reaksyon ng kanilang boss. Napalunok si Kim at muling nag-salita.

__
"Bigla nalang po s'yang nahimatay sa live kanina. Inaabisuhan lang din po namin kayo para 'ho alam nyo yung mga nangyayare sa show at kay mama na din po." ipinapaliwanag ni Kim ang lahat sa kanilang boss habang sinusulyap-sulyapan si Jackie na abala na rin sa pakikipag-usap sa telepono.

__
"Nasaang hospital s'ya ngayon? Give me the address and please inform Mr. Deo Endrinal to check up on Vice." bakas ang pag-aalala sa boses ng nasa kabilang linya. Maliban sa pagiging boss ay matalik ring kaibigan ni Vice ang mga ito. "Yes, Tita Cory. I fo-forward ko nalang po sa inyo yung address. Kausap na rin po ni Jackie si Sir Deo, huwag po kayong mag-alala."

__
"Okay, I'm on my way. I'll just inform Mr. Deo to meet me there. I'm sure, marami na ang media na nakapalibot kung saan naroroon si Vice. Tell Mr. Katigbak to send some security as well. Ipahatid nyo sila sa hospital, ngayon din." utos nito. Hindi man nakikita ng kausap nya ay sunod-sunod parin itong tumango. 

__
"Yes po, Tita Cory. Sasabihin po namin agad-agad. Thank you and mag-iingat po kayo." paalam nito. "Sige, thank you for informing me." paalam rin ng nasa kabilang linya at madaling pinatay ang tawag.

__
Tila nabunutan ng malaking tinik si Kim sa kaniyang dibdib, huminga ito ng malalim. Nabibigla parin ito sa mga nangyayari ngunit wala nang oras para sa kung ano man. Kailangan nilang tapusin ang show. Pansin rin nito na tapos na si Jackie sa pakikipag-usap kaya agad itong umayos at sumalang sa stage para interviewhin ang contestant.

__
________________________________________________________________________________
__

__
Kasalukuyang nagkakaroon ng diskusyon sa hospital. Kinakausap ni Dra. Moreno si Vice ukol sa mga resultang nakuha nila mula sa kanya.

__
Wala sina Amy at Ryan sa silid dahil ito ang sabi ng doktor. Nais nitong ipaalam kay Vice ang lahat sa pribadong paraan.

__
"It's an obvious sign of pregnancy." deretsong saad ng Dra. Moreno. Kumurap lamang si Vice at maya-maya ay payak na natawa. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa doktor.

__
"Nako, kanina pa biniro sa akin 'yan, doc. Ako lang ang komedyante dito, 'wag kayong ano jan." natatawa ito habang sinusuri ang doktor. "Alam kong bet na bet ko ang vavaihan moments ko sa mga pagkakataon, pero- imposible naman 'ho yata yang sinasabi ninyo?" dagdag pa nito. Salungat sa reaksyon ni Vice, ang doktor ay nanatiling seryoso, ngunit malambot parin ang titig nito sa huli. Batid ng doktor na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang pasyente kaya hinawakan nito ang balikat ni Vice at pinisil ng bahagya bago muling mag-salita.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now