CHAPTER SEVEN

202 14 8
                                    


__
- Iinisin ko lang kayo ng slight.😌 Eto rin yung marami ang changes LMAOOO

___________________________________________
___________________________________________

__
Vice's POV

__
"Oh, eto. Nabalitaan n'yo ba yung nangyari sa programa ng 'It's Showtime' kahapon? Si Vice, may anak." panimula ni Cristy Fermin sa usapan. "Ha? Talaga ba, nay? Pero paano naman nangyari 'yon?" gatong na tanong ng isa n'yang kasama na si Romel Chika na parang nginudngod sa harina sa sobrang putla.

__
"Aba'y syempre sa babae! Alangan naman si Vice, pa'no mabubuntis 'yon eh wala namang matres?" hirit ni Fermin at nagtawanan sila ng mga kasamahan n'ya sa content. Tawa na tipong nakikita mo na ang pagkapit ng pustiso ng matandang babae at ngala-ngala ng isang gurang na nagngangalang Wendell Alvarez, pagkat ito'y walang ngipin.

__
"So, ang sinasabi mo ba nay, nakabuntis si Vice noon? Pero 'di ba may lalaking sumulpot rin kahapon? Tinawag pang papa nung bata, matapos tawagin na mama si Vice Ganda." pang-iintriga ni Romel. "Ayon nga rin ang pala-isipan sa mga tao. Talagang nagkakagulo sila sa social media. Eto nga at may nag-text sa akin. Sabi dito, 'Nay, sinabihan kami na hindi sila magkakilala. Pero posible ring may tinatago si Vice. Kase tinakpan n'ya bigla yung bata.' " basa ni Fermin.

__

"Oo nga, nay.  Nakita ko. Tinakpan n'ya yung bata kahapon. Saka 'di ba, nung nakaraan bigla nalang nahimatay si Vice sa live ng Showtime? Ano daw ba ang nangyari nung araw na iyon, nay?" pilit na pambibigay-malisya ni Romel sa paksa. "May nakapagsabi sa akin na may malubha raw na sakit si Vice at talagang nananahimik s'ya tungkol sa bagay na iyon." bwelta muli ng matandang babae.

__
"Nako nay, baka nga tinatago 'yon ni bakla."  at tumangu-tango naman ang isa pang matanda sa gilid. "Ikaw, Wendell. Meron ka bang kanta ja'n para sa issueng ito ni Vice Ganda?" halatang natutuwa si Fermin sa paglalahad ng pekeng balita, kaya naisipan nitong hingian ng opinyon ang isa pa nilang kasama sa content. "Aba oo, pinaghandaan ko 'yan. Narinig ko lang 'to sa internet, palagay ko bagay na bagay kay Vice 'to. 'Meron akong tinatago, 'di ko lang maamin' " nagsitawanan ulit ang trio sa kalokohan ng kasamahan nila. 

__
"So, ayon po. Abangan nalang po natin ang mga susunod na chika tungkol kay Vice Ganda. Dumako naman ngayon tayo dito. Mayroong bali-balita na itong sikat na aktres daw ay kabit ng isang sikat na aktor-" pagwawakas ni Fermin at dumeretso na sa susunod nilang pag-uusapan.
__
________________
________________

__

__
"Ayan na nga ba yung sinasabi ko. Buti na lang at may PR team ka na ngayon, dahil kung wala- talagang magpapatuloy 'yang mga media na katulad n'yang Cristy Fermin na 'yan sa pag-gawa ng mga bagay-bagay, para lang mapag-usapan at masira ka." Kagigising ko lang kanina at agad akong sinabihan ni Jaque na nasa baba si Sir Deo. As expected, mga balitang ganito ang matatanggap ko mula sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil ganito agad ang bungad ng araw ko.

__
Paano kaya kung magtapat na ako sa kanila, para hindi na dumami nang dumami yung isipin ko? Balak ko itong unahin sa pamilya ko. Mamaya ay pupunta rin ako ng hospital, isasama ko sila sa check-up. Next week pa dapat ang appointment ko pero pwede naman sigurong agahan. Ayoko na ring maghintay pa ng matagal. 

__
"Sir Deo, sabihan nyo nalang po yung PR team ko sa mga bagay na dapat nilang gawin. Naiistress lang po ako 'pag nakakasagap ako ng ganyang balita eh." matamlay kong saad. "Huwag kang mag-alala. Inaaksyonan na nila ngayon. Pinakita ko lang 'yan sayo para aware ka sa mga nangyayare." eksplika nito. "Wala ka namang Showtime ngayon dahil linggo, so... Magpahinga ka muna. Also, ipapadala na sayo mamaya ang script sa bago mong movie project. 1 month straight ang shooting." dagdag n'ya. 'Shet, oo nga pala! Matagal na 'tong project na 'to, bakit hindi man lang sumagi sa isip ko?'

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now