CHAPTER TWELVE

239 16 22
                                    


-Hanggat bored ako at may time, aambunan ko kayo ng updates LMAOOO pero promise, last na 'to. Gusto ko lang kayong mag-overthink.💀🤣


__________________________________________

__
Unknown's POV

__
"Naipa-alam nya na sa mga kasamahan nya sa trabaho, boss. Ayon sa mga narinig ko sa pag-uusap nila kasama ng mga big bosses, maganda naman ang pag-tanggap nila sa sitwasyon nya." balita ng isa kong galamay sa ABS-CBN.

__
Talaga nga namang pinapaburan sya lagi ng tadhana.

__
Balita ko rin ay mag-kasama sila ni Ion sa isang resort sa may Tiaong, Quezon nung nakaraan. Mukhang tuluyan nang kinagat ng dalawa ang páin na inihagis ko. Dahil sa páin ko na nakakasama nila na magta-tatlong buwan na, makasisiguro akong magagawa ko lahat ng mga binabalak ko.

________________________
________________________

__
Vice's POV

__
"So, ano nang balita?" kasalukuyan kaming naglalakad pabalik ng dressing room ni Anne dahil tapos na ang last gap ng Show.

__
"As usual, gulat na gulat din sila." isinalaysay ko lahat ng pag-uusap namin ng mga big bosses sa kanya dahil alam kong hindi ako titigilan nito hanggat hindi nya alam lahat.

__
"Well, at least makakahinga ka na somehow, dahil nasabi mo na sa mga big bosses- and OH! You can come over next week, so we can have a mommy session. I'll teach you how to do basic stuff." excited na sambit nito. Excited na rin ako.

__
"Speaking of coming over, I am throwing a party tomorrow. I expect you to be there, Anne. Aamin na ako sa mga friends ko." kahapon pa kase ako nag-iisip ng mabuti kung paano malalaman ng sang-kabaklaan ang lahat. "Of course! Just count me in, lalo na sa mga check-ups, I'm always free." ngiti nito.

__
"Well, unfortunately- mahigpit kong ipagbabawal ang pagdadala ng phones, cameras, and other recording devices. You know how hard this thing to cover, right?" paliwanag ko rito. Ganon din ang ipinaalam ko sa mga taong dadalo bukas sa party.

__
"Sure, sure. You don't have to worry, sis. I should go by now, Dahlia is waiting for me na." sambit nito at bumeso. "Please take good care of yourself, and the baby. I love you, bye!" at agad na itong umalis.

_______________________
_______________________

__
Ion's POV

__
"A party? For what?" tanong ko sa aking sekretarya na si Mrs. Soriano.

__
"Wala na pong sinabi na dahilan si Ms. Cory Vidanes, basta mga details lang po sa pupuntahang lugar ang ibinigay. Gusto rin po kase nilang ipakilala sa inyo ng personal ang isa sa iilang bigatin nilang artista sa ABS-CBN. They're really expecting you to come, sir." salaysay nito.

__
"Do I have any plans tomorrow? Cancel them immediately, dahil dadalo kami ni Jian sa sinasabing party ni Ms. Vidanes." agad na rin itong umalis matapos naming mag-usap.

_________________________
_________________________

__
(KINABUKASAN)

Vice's POV

__
"Tuy? Handa ka na ba mamaya?" nakita kong papalapit si Ate Tina sa kinaroroonan ko. Kanina pa ako abala sa paghahanda. Halata rin na hindi ako mapakali para sa mga mangyayari, kaya minabuti kong suriin ang lahat ng mga ginagawa ng mga tao dito sa bahay.

__
"Eto, te. Hindi mapakali. Marami rin akong bisitang darating. Alam mo namang andami kong kaibigan." sagot ko rito.

__
"Basta huwag mong kalilimutan yung payo sayo ng doctor. Madalas, hindi mo ako sinusunod sa mga payo ko, pero sa para sa bata, sundin mo yung ipinapayo sayo." paalala nito. Totoo rin naman ang tinuran nito. Madalas ay talagang may pagkamatigas ang bungo ko, kaya maya't-maya ako nito paalalahanan.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now