CHAPTER TEN

185 13 10
                                    

__
VICE's POV

__
"Should we go higher?" tanong ko kay Jian. Kasalukuyan kaming nag-iiswing sa may malaking puno. Nakakatuwa at sa mga simpleng bagay ay talagang nag-eenjoy sya. Hindi ko tuloy maiwasang magbalik-tanaw sa panahon kong simple lang rin ang gusto ng mga kapwa ko bata. Matapos naming tapusin ang mga gawaing bahay ay hinahayaan kami ng kanya-kanya naming mga magulang na enjoyin ang natitira naming oras. Malaking-malaki ang pagbabago ng mga gawi noon sa mga gawi ngayon. Tunay na nagbabago ang mundo. 

__

"Yes, mama!" nagbitaw ito ng hagikgik nang lumakas at tumaas ang pag-duyan namin.

__
Naging masaya lang kami ni Jian, kung ano-ano ang mga itinuturo nito sa kalangitan at sa kapaligiran. Nang maramdaman ko ang tirik ng araw ay agad na rin kaming pumasok. Hindi ko nalang din inisip pa ang tagpuan namin ng kaniyang ama kanina. Parang wala lang din sa kanya ang mga nangyari kanina dahil nang magsalu-salo kami para sa pananghalian ay hindi na ito umasta ng kakaiba. Nakikipag-kwentuhan rin ito kay Nanay na alam kong ikasisiya nito dahil hindi rin ito nauubusan ng kwento.

__

Nagka-ayaan ang iba sa pool matapos magpahinga. Naligo lang rin ako at nagsuot ng casual bago sila samahan. 

__
"Mama! Come, swimming!" hiyaw ni Jian na kasama nina Babot sa pool. Sa pagkakataong ito ay tatanggihan ko muna siya pagkat bawal sa akin ang pagsu-swimming. May Chlorine ang pool, makakasama sa akin at sa bata. Malungkot kong sinagot si Jian.

__
"Hindi ako pwede baby eh. Don't worry, dito lang ako. Hindi ako mawawala sa paningin mo." umupo na lamang ako sa may pool chair para mapanatag ito. Hindi na rin umangal pa ang bata at patuloy na nakipag-laro kina Babot

__

____________________
____________________

__
"Why don't you join them?" Eto na naman tayo. Hanggang ngayon ba naman, ayaw parin akong tantanan? Hindi ko ito nilingon, bagkus ay humiga pa ako sa pool chair para malaman niyang hindi ako interesado sa pakikipag-usap sa kanya. Wala naman nang sumunod pang nangyari, palagay ko ay iniwan na ako nito. Ngunit mali pala ang akala ko. Mistulang bulak ako kung buhatin nito. Mahigpit akong napakapit sa kanyang leeg.

__
"IBABA MO NGA AKO!" sigaw ko sa kanya ng pabulong. Lumingon ako sa likuran at mabuti naman at hindi napansin ng mga kasama namin ang bangayan na nangyayari.

__
Hindi nito pinansin ang mga pakiusap ko at talagang nagtungo pa malapit sa pool.

__
"PLEASE, PUT ME DOWN! I'M BEGGING YOU!" pagmamakaawa ko. Akala siguro nya ay nakikipag-biruan pa ako. Naiyak tuloy ako sa takot. Napansin naman nito agad ang pagtangis ko, kaya agad na ako nitong binaba.

__
"I- I'm sorry. Akala ko-" I cut him off.

__
"Gusto kitang sampalin ngayon, pasalamat ka at andito si Jian. Don't you ever go near me again- we're leaving!" I said through my gritted teeth and quickly left.

__
"Vice, wait!" sigaw nito ngunit tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papasok ng bahay para agad nang ayusin ang gamit ko. Aalis na kami. Mas gugustohin kong manatili nalang sa bahay kesa dito na hindi nirerespeto ang mga gusto ko. Agad ko na ring tinawagan si Kuya Jun para agad na kaming sunduin. Nag text rin ako kay Camille na sabihan sina nanay na sumaka na sa pool, maligo at mag-impake na.

__

Matapos kong kunin ang iilan kong gamit sa itaas ay nakasalubong ko si Camille sa hallway. 

__

"Oh, tito. Bakit naman po tayo agad aalis, eh nag-eenjoy pa po kami with baby Jian?" bungad ni Camille. Agad kaming pumasok sa kanilang kwarto at isinara agad ito. Hindi ako umimik.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now