CHAPTER FIVE

224 13 12
                                    


__
ION's POV

__
"Do I have any plans or meetings today?" tanong ko sa aking sekretarya na si Mrs. Soriano. You heard that right. I don't hire young people dahil puro landi lang ang inaatupag. With Mrs. Soriano, there is an assurance na hindi ito papalya because of her experiences in the business field throughout the years. Matagal na rin s'yang empleyado rito, panahong buhay pa ang dad. "You're clear for today, sir." sagot nito habang abala ako sa pag-suot ng aking coat. Yaman din lamang na wala akong anumang errands ngayong araw, naisipan kong ipasyal ang anak ko.

__
"Where's Jian? Can you please get him ready? Papasyal lang kami sa labas." agad naman itong lumabas ng silid. Pagbalik nito ay karga-karga na si Jian. Agad naman tumakbo si Jian papalapit sa akin nang bitawan sya sa pagka-karga. Dumeretso kami sa garahe kung saan naroroon ang iilan kong mga sasakyan. Pinili ko ang pinaka-ligtas sakyan dahil nga may bata akong kasama. Sa loob nito ay may upuan na para kay Jian lang. With that, masisiguro na hindi ito titilapon o mahuhulog si Jian pagkat saktong-sakto lang ito para sa kaniya.

__
Matapos kong ilagay sa car-seat ang bata ay pumwesto na rin ako sa driver's seat at bumyahe. Tinanong ko si Jian kung gusto ba nitong kumain muna. Tumango ito at sinabing 'acdo' ang gustong puntahan, kaya naman dumeretso na ako sa drive-thru ng McDonald's upang bilhin ang kaniyang gusto. Hindi ito pihikan sa pagkain, pati sa gulay ay hindi umaarte. Simple lang din ito sa laruan. Kahit kaya ko namang ibigay ang anumang ituro nito, kakaunti parin ang laruan na kaniyang pinipili.

__

Naisipan kong bumisita sa ABS-CBN, kaya habang kumakain si Jian ay nagpa-schedule ako ng meeting roon, agad-agad. Kasunod lang din ng sasakyan namin ang iilan kong security, upang bantayan si Jian habang nasa meeting ako.

__
Nang makarating na kami sa gusali ng ABS-CBN ay nakasunod lang sa akin si Jian habang hawak ang tela ng aking suot pang-ibaba. Nasa likuran din namin ang mga kasama naming security. Hinayaan ko syang lumibot sa building since meron namang magbabantay. Nang makaalis ito sa tanaw ko ay agad ko na ring tinungo ang office ng mga big bosses. Bumungad sila sa akin nang pumasok ako sa silid. Batid ko ay kanina pa sila naghihintay.

__
"Hello, everyone. I'm sure you already know the reason of my sudden visit. I'm here to secure our stocks. How was the business going?" panimula ko nang makaupo ang lahat. Andito sina Mr. Lopez, Mr. Katigbak at Ms. Vidanes. "So far, so good, Mr. Perez. Amidst the shutdown, the business is still on the run. It's an honor to have your trust." saad ni Mr. Lopez. Malaki rin naman ang tiwala ko sa kanila pagkat magaganda ang content na inihahapag nila sa mga tao. Maraming batikos at paninira, nagawa pang ipasara, ngunit nananatili parin silang tanyag sa larangan ng pagbibigay-impormasyon at libang sa mga mamamayang Pilipino.

__
"Of course. Malaki ang tiwala ko sa inyo. Kahit naman sinong nasa matinong pag-iisip at talagang may isip ang susuportahan kayo. Bilib ako sa tatag ninyo dahil hindi biro ang mga pinagdaanan ng ABS-CBN." sambit ko. "Now I just need to have a copy for this month's report, and we're done." ngiti ko sa mga ito at agad namang tinimbrehan ang empleyado nila upang I-abot sa akin ang file.

__
"Well, I should go now. Thank you for today, Mr. Lopez. Mr. Katigbak and Ms. Vidanes." isa-isa ko silang kinamayan at agad na lumabas upang hanapin si Jian. Alam kong pagod na rin iyon kalilibot sa building, kaya aayain ko na itong umuwi upang makapag-pahinga s'ya kahit papano.
__

___________
___________

__
VICE's POV

__
Kasalukuyan akong inaayusan ng 'Team Vice' sa aking dressing room, since napagdesisyunan kong pumasok na sa trabaho. Pakiramdam ko naman ay kaya ko na, pero kailangan ko paring maging maingat.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz