CHAPTER NINE

250 18 38
                                    

__

GENERAL POV

__
"Mga bakla. Wala ba kayong napapansin kay Ganda lately?" saad ni Buern habang nagliligpit ng kanyang kagamitan. Nagkatinginan lamang sina Fifi at Jan sa tinuran nito. "Sa totoo lang, nawi-weirduhan ako sa kanya. Andami niyang biglaang trip these days, tapos konting kibot, iiyak s'ya. Naalala n'yo ba nung iniyakan n'ya yung mga pinatay kong langgam, kase daw baka may mga pamilya pa silang uuwian?" natawa si Fifi nang magbalik-tanaw. 

__

(Fifi's flashback...)

__

"Saan ba nanggagaling 'tong mga langgam na 'to, ba't andami?!" pinaghahahampas ko ng tsinelas ang mga nakahilerang langgam na papunta sa dirty kitchen nang mapansin ko bigla ang kakaibang pagtitig ni meme. Nangigilid ang luha nito habang sinasaksihan ang paghataw ko sa mga langgam. "BAKIT MO SILA PINATAY?!" nabigla ako nang sumagaw ito. Nalilito rin ako dahil sino ba ang gustong nilalanggam ang kaniyang bahay? Hindi ba't dapat naman talaga silang patayin para mapuksa?

__

"Meme, inaalala ko lang 'yung mga pagkain sa kusina, nilalanggam na kase." paliwanag ko rito ngunit bigla nalang itong humikbi. "Hindi mo man lang ba naisip na baka may pamilya pa silang uuwian?! Kung sa'yo gawin 'yon, magugustuhan mo ba?" agad ko itong nilapitan upang patahanin. Hindi ko alam kung seryoso ba ito o pinagtitripan lang ako, ang weird.

__

(End of Fifi's flashback...)

__

__
"Alam n'yo, itigil n'yo yang chismisan. Intindihin nalang natin si Ganda. Kakagaling lang sa hospital nung tao, oh. Tigil-tigilan natin ang pagdudulot ng stress sa kaniya." singit ni Jan na kapwa nag-aayos rin ng kagamitan. "Ah, basta. Curious parin ako sa nangyayari kay meme." pamimilit parin ni Fifi. Nagbitbit na rin ito ng mga kagamitan at kasamang lumabas ng dressing room ang dalawa.

________________________
________________________

__
VICE's POV

__
Nagising ako na may nararamdamang bigat sa dibdib. Pag-mulat ng mga mata ko ay napag-alaman kong nakapatong pala ang ulo ni Jian na payapa paring natutulog.

__
"Ang swerte ng mga magulang mo. May anak silang ubod ng lambing." bulong ko rito sabay haplos sa malambot nitong buhok. "Hindi na tuloy ako makapaghintay na lumabas ang baby ko. Panigurado akong lalaki rin s'yang malambing at cute, gaya mo." ewan ko, pero- talagang naiimahe ko na ang hinaharap kasama ang sarili kong anak dulot nitong pag-sama ko kay Jian. Agad kong inabot ang aking telepono upang tignan ang oras. 8:30am na.

__
Lumingon ako sa gawi ng ama nitong batang nasa dibdib ko ngunit ang kabilang parte ng kama ay mistulang bakante. 

__

'Saan nagpunta 'yon?'

__
Hinayaan ko na lamang at sinubukang ilipat si Jian para makapagtungo ako sa banyo. Akma koong kakalasin ang pagka-akap nito sa akin nang bigla itong nagising.

__
"Mama? Bye-bye?" halos paos ang boses nito dahil kakagising lang. "Uh- I need to use the bathroom, baby." nakatulala lang ito sa akin, marahil ay wala pa sa wisyo. "Okay, I come mama." bungisngis nito at agad na bumangon. 

__

Hay, alam mo talagang kunin ang loob ko, ano?'

__
"Hmmm! Sige na nga." tuluyan na kaming tumayo at nagtungo sa banyo. Hawak-hawak ko ang kanang kamay nito para alalayan. Sinabihan ko rin itong hintayin ako sa labas ng banyo.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now