CHAPTER ELEVEN

167 11 19
                                    


- Usto mo yon, may pahabol na update? LMAOOO

____________________________________________________________

__
Vice's POV

__
Kakatapos lang ng Showtime at heto't tahimik kong hinihintay ang mga co-hosts ko sa aking dressing room. Kanina pa ako paulit-ulit ng ensayo kung paano ko sisimulan ang usapan mamaya. Nagmumukha na akong tanga, mag-isang kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. Nagulat pa ako nang biglang may kumatok sa aking pintuan. 

__

Andito na sila.

__
"So, what do you wanna tell us?" deretsahang saad ni Anning nang makaupo ang lahat. Pansin kong natigilan si Tyang sa tono ni Anne, ngunit dumeretso agad ito sa sulok upang umupo. 

__
"Well, I really don't know how to put it into words, but..." panimula ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Anne. Hindi ko maiwasang mapalunok sa ugaling ipinapakita nito ngayon. Usually kapag hindi kami nagkakaintindihan, hindi umaabot sa ganito. 

__
"So basically, we're just wasting our time?" matigas nitong sambit. Tinitigan ko lamang ito sa mata. Ramdam ang tensyon sa buong silid. 

__
"Sis..." I trailed off, but she quickly cut me off.

__
"Don't ever SIS me, may kasalanan ka pa sa akin!" tumaas na ang boses nito. Hindi na napigilan ni Tyang kaya agad itong tumayo sa kanyang kinauupuan upang pumagitna sa aming dalawa ni Anne. 

__
"Anne, hayaan muna nating mag-salita si Vice. Maniwala ka, may maganda syang rason. Kaunting pag-unawa, utang na loob." mahinahong saad ni Tyang na nakapagitna parin sa aming dalawa. Sinusubukang pakalmahin ang sitwasyon.

__
"Tama si Tyang. First of all, I wanna say sorry to you, Anne- and to everyone in this room." panimula ko.

__
"Matagal ko na itong gustong sabihin, pero sobra akong natatakot sa magiging reaksyon nyo." napayuko ako dahil talagang nagsisisi akong nilihim ko sa kanila ng matagal. "Here, open this envelope. Hindi ko alam kung paano sisimulan pero gusto ko munang makita niyo 'to." naka-hinga ako ng maluwag nang tanggapin ni Anne ang iniabot ko. 

__
Tumayo ang lahat ng hosts upang magpulong malapit kay Anne dahil bubuksan na nya ang sobre. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon dahil naka-pulong parin sila at kapwa walang imik ang bawat isa.

__
"What is this? Your child?" tanong muli ni Anne nang makaupo na ang lahat. Tumango lamang ako at bakas ang gulat ng bawat tao sa silid.

__
"Kelan ka pa naging Tomboy, girl? Antagal kitang kasama, kahit nga sa akin na sister mo na ng matagal na panahon, pinandidirihan mo pa kapag katabi mo ako na walang suot na panty. How is this possible?" kunot noong tanong nito. Napasapo nalang ako ng aking mukha dahil hindi parin nila gets. Narinig ko ang halakhak ni Tyang sa sulok kaya natawa na rin ako.

__
"Ano ba kayo, akin yan! Hindi nyo ba binasa yung papel sa likod ng sonogram? Hay, nako!" natatawa parin ako at pansin ko ang pagka-gulo sa kanilang mukha.

__
"I'm pregnant. Two months na. Yung pagiging mahilohin ko dito at madalas na pag-suka, dahil 'yon sa pagbu-buntis ko. Hindi parin ba malinaw? 'Tong bata na nasa tiyan ko, first baby ko." pinaliwanag ko na sa kanila para hindi na sila maguluhan pa.

__
"Wag na kayong mag-tanong kung nagbibiro ba ako, dahil hindi ako magbibiro sa ganitong bagay. Ayan si Tyang, kasama ko nung isinugod ako sa hospital nang mahimatay ako dito ng mismong live. Alam nya ang lahat." dagdag ko.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now