Matapos ng pangyayari sa restaurant, naisipang dalhin ng mag-asawang Timmy at Karmi si Vice sa kanilang tahanan upang maprotektahan ang kaibigan mula sa mapangusisang madla. Agad rin nilang tinawagan ang doctor ni Vice upang mapacheck ito sa kanilang bahay.
"Doc, okay lang naman ho kaming lahat kaninang magkakaibigan nang mapansin kong kakaiba ang kinikilos nitong si Dams. Alam kong masama ang pakiramdam nya, kaya nung tumayo sya at nagpaalam na magbabanyo, agad ko syang sinundan," saad ni Karmi nang makarating si Doctor Moreno sa kanilang tahanan. Inulan ng tanong ang kaibigang si Karmi, kaya agad itong nagpaliwanag. "Naabutan ko syang sumusuka, doc. Eh ngayon ko lang sya nakitang ganon, kaya hindi ko tuloy alam kung paano ko sya pakakalmahin. Buti na lang at agad ko syang nasalo bago pa sya tuluyang lumagapak sa sahig kanina." Tumangu-tango lamang ang doktor sa salaysay ni Karmi nanag matapos nitong I-check ang kalagayan ni Vice.
"May alam ka bang posibleng dahilan kung bakit sya nahantong ulit sa pagkawalan ng malay?" muling tanong ng doktor.
Agad na napaisip si Karmi at naalala nito ang dahilan kung bakit sumama bigla ang pakiramdam ng kanyang kaibigan. "Doc, posible po kaya na dahil sa naamoy nya kung kaya't nagkakaginito siya? Kase narinig ko syang nagrereklamo sa amoy ng inorder na lobster ng kaibigan namin kanina. Tapos, doon na nangayare ang mga sumunod." napansin nito ang pagtigil ng doktor, marahil ay napagtagpi-tagpi na nito ang tunay na dahilan.
Mabagal na tumango ang doktor habang hinihimay ay mga gustong sabihin.
"I see... Normal lamang iyon at wala kayong dapat ipagalala. Minsan talaga ay maselan ang pang-amoy natin, gaya na lamang ng iba kapag sumasakay sa mga bus. Yung amoy ng aircon, hindi nila kinakaya na s'yang nagdudulot ng kanilang pagkahilo at pagsusuka." minabuti ng doktor na wag I-disclose ang tunay na findings, pagkat hindi sila ang pamilya. Kung hindi nila alam ang tunay na kalagayan ng pasyente, wala sya sa posisyon upang basta-basta na lamang sabihin ang kalagayan ng kaniyang pasyente. Lalo na't mukhang piniling ilihim ni Vice ang sitwasyon sa kaniyang mga kaibigan.
Si Karmi naman ay nakaramdam ng kakaiba sa sagot ng doctor, dahil kahit may punto ang kaniyang paliwanag sa nangyari, halata pa rin sa kilos nito na may mga bagay pa na hindi nito sinasabi. Tumango na lang din ito sa kausap, habang nakatingin sa kaibigan na nakahiga sa kama.
"But please keep an eye on her. Bawal sa kanya ang sobrang stress. Make sure to remind her to drink water, and eat healthy. Mabuti na lamang at agad nyo akong tinawagan. At least, alam nating ayos lang sya. Kailangan lang rin talaga ng pahinga." nagaalala pa rin ito sa kaibigan, ngunit nangako ito sa doktor na gagawin nya ang kanyang makakaya para sa kapakanan ng kaibigan.
___________
"Sir? Pinatawag nyo po ako?" isang babae na may kaedaran ang pumasok sa opisina ni Benigno. "Mrs. Soriano, yes, I just wanted to know my schedule. Am I clear from obligations for today?" hindi pa rin nawawala ang tingin nito sa mga papeles na nasa kaniyang harapan. Tapos na ito sa pag-review at pag-sign ng mga files, ngunit ugali nitong siguraduhin na pulido ang lahat.
"Wala po kayong scheduled meetings today, so yes. You're clear for today, sir." ngumiti ang kaniyang sekretarya.
Oo, hindi ito kumukuha ng mga bata o kaedaran nya, pagkat issue lang ang kahihinatnan non. Isa rin si Mrs. Soriano sa mga loyal na empleyado ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito, kaya sya na lang din ang pinili nito sa posisyon.
"Good. Will you please fetch Gian? Papasyal lang kami sa labas." yaman din lamang na wala itong gagawin ngayon araw, minabuti nitong ipasyal si Gian.
YOU ARE READING
UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]
General FictionVice Ganda, a well-known and multi-awarded gay celebrity who lived her life providing joy to people, suddenly yearns to feel it for herself. Benigno Perez, a man who spent his life building an empire for survival, begins to question his purpose in l...
![UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/322936409-64-k276069.jpg)