CHAPTER FOUR

209 12 18
                                    

__
GENERAL POV

__
Kasalukuyang nag-e-early dinner ang BalenciaGANG sa rooftop ng isang mamahaling resto. Ang lahat ay kanya-kanya ang hawak sa kaninang telepono maliban sa isang kilalang negosyante sa Pilipinas at si Vice. Pansin nito ang katahimikan ng kaibigan kaya naisipan nitong magbukas ng uspan.

__
"I heard what happened last time. How are you feeling now?" nabigla si Vice nang biglang magtanong ang taong nasa harapan nito. Hindi nya inaasahan na bubuksan muli ang patungkol sa nangyari nung isang araw.

__
"I'm getting better, but I still need to rest, Dada." payak na sagot nito sabay inom ng tubig. Nagka-ayaan ang lahat, tutal minsan lang sila mag-karoon ng break sa kani-kanilang mga trabaho. Sinusulit na rin ni Vice ang pahingang ibinigay sa kanya ng management.

__
"Anyways Shishter, you look different. 'Wag ka sanang mao-ooffend, pero mas lalo kang nag-gglow ngayon. Nako, baka juntis ka na at hindi mo lang sinasabi sa amin, ah? Basta, ninang ako." pangangatyaw ng Shishter nito na si Kimmy. Hindi rin inaasahan ni Vice ang ganitong klaseng hirit mula sa kaibigan, kaya naibuga nito bigla ang tubig na kan'yang iniinom.

__
"Shishter naman! *cough *cough Anong ba yang mga pinagsasasabi mo?!" umubo-ubo ito habang sinasaway ang kaibigan. Sa kabilang dako, tumawa lamang ang kaibigan nito sa naging reaksyon ng huli at hinimas-himas ang likuran ng kaibigan na patuloy parin sa pag-ubo.

__
"Nagbibiro lang naman ako, Shishter! Parang 'di ka naman sanay. Normal lang naman sa'yo dati 'yan, ah? Bakit ganyan ka maka-react ngayon?" tawa parin ito ng tawa habang naka-ngiting nanonood ang mga kasamahan nila sa kanilang tuksuhan. Tama nga naman. Dati ay sinasakyan pa ni Vice ang mga ganoong klaseng biro, pero nag-iba ito ngayon. Ramdam kase nito na mabubuko sya kapag ganoon lagi ang usapan. Naeestatwa ito bigla dahil hindi nya alam kung nakakahalata ba ang mga kaibigan nito sa mga nangyayari sa kanya. Tunay na biruan lamang sa kanila dati 'yon, ngunit heto sya ngayon. Buntis. Isang buwan na.

__
"Pasensya naman. Nabigla lang talaga ako." sambit nito at nagbitaw ng pekeng tawa. Gaya ng plano, si Amy lang muna ang tanging nakaka-alam sa nililihim nya. Naputol ang katyawan nang dumating na ang kanilang mga inorder. Isa-isang inihain ng mga waiter ang mga pagkain na kanilang napili. Pasta lamang ang inorder ni Vice pagkat wala itong ganang ngumuya nang ngumuya. Tahimik nitong hinahalo ang sauce sa pasta nang bigla itong naasiwa sa kanyang naamoy. Nadako ang kanyang tingin sa kaibigang fashion designer na si Bang Pineda. Palagay nito ay sa kanya nagmumula ang hindi kaaya-ayang amoy. Nakita nitong hinihiwa ng kaniyang kaibigan ang inorder na lobster at palagay ni Vice ay masusuka ito sa tuwing tatama sa kanyang ilong ang amoy ng pagkain ng kaibigan.

__
"Teh, ba't ang baho naman ng lobster na 'yan?" kunot noo nitong tanong kay Bang habang nakatakip ang kaliwang kamay nito sa kaniyang ilong. Abala na ang iba nilang kaibigan sa pag-kain, ngunit lingid sa kaalaman nya ay nakamasid ang shishter nitong si Kimmy sa kanyang mga kinikilos.

__

"Teh wala ngang kalansa-lansa 'to eh. Ayan na nga at binudburan ko pa ng lemon." sagot ng kilalang designer ngunit sadyang naduduwal si Vice sa amoy ng kinakain nito. Magpapaalam sana siya sa mga kasamahan nila upang saglit na pumunta sa CR, ngunit inunahan na agad ng kanyang shishter.

__
"Shishter, halika. Samahan na kita sa powder room." sumama naman agad si Vice sa takot na mag-kalat ito sa hapag-kainan.

__

Habang naglalakad ay ramdam ni Vice na nakatitig lamang sa kaniya ang kaibigan kaya nakaramdam ito ng pagka-ilang. Patuloy lang na nakamasid si Kimmy hanggang sa makapasok na sila sa powder room. Nang maisara ang pinto ay agad na nagmadali si Vice papuntang lavatory upang ilabas lahat ang suka, ngunit kahit duwal na ito nang duwal, walang lumalabas na kahit ano. Tanging laway lang. Nagtaka ang kaniyang kaibigan.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now