CHAPTER THIRTEEN

195 12 5
                                    

__

VICE's POV

__

"Hindi ka na dapat sumama pa eh." giit ni Babot na kasama kong nag-hahanap ng damit. Nasa Shangri-La Plaza kami ngayon dahil wala nang masuot si Jian dulot ng hindi pa nag-papakita ang ama nito. Susulpot-sulpot kase, iiwan pa yung anak. Hindi naman sa ayaw ko, pero walang baon na damit ang bata. 

__
"Anong dapat hindi sumama- baka ako pa sisihin ng ama nito pag may nangyaring masama sa kanya." abala parin ako sa pag-hahanap ng mga damit na maaaring suotin ng bata.

__
"Oh eh pano kung ikaw yung mapahamak, aber? Alalahanin mo, hindi na ito tulad ng dati na pwede kang mag-around the mall mula umaga hanggang gabi. Isipin mo naman yung kapakanan ng batang nasa tiyan mo." kunot noong sambit ng aking kapatid.

__
"Babbage, alam ko naman 'yan. Nag-iingat naman ako eh. Ayaw ko lang talagang mawala sa paningin at sa paligid ko si Jian. Responsibilidad ko sya sa ngayon habang hindi pa sumusulpot ang tatay nya. Ano, iiwan ko sya sa presinto gaya ng ginagawa ng iba? Edi umusok ang ilong ng tatay nito?" napabuntong hininga na lamang si Babot sa narinig.

__
"Gusto ko ring magtingin-tingin ng mga gamit pambata. Hayaan mo na ako sa gusto ko. Nabuburyong na kaya ako sa bahay, kung alam mo lang." Kahapon ko pa gustong lumabas ngunit wala naman akong makasama, kaya minabuti kong samantalahin ang pagkakataong ito. 

__

Kukunin ko na sana si Jian upang ipasukat ang damit na napili namin ni Babot nang biglang may nag-salita sa tabi namin.

__
"Andito lang pala kayo." si Ion. Hindi pa ako nakaka-recover sa gulat nang agad nitong kinuha si Jian mula sa pagkakahawak ko. Paalis na sila nang mapigilan ko.

__
"Oy- teka lang! Nakita mong pinamimili namin sya ng damit eh! At bakit ka ba bigla-biglang sumusulpot after being MIA? Alam mo bang nasa bahay ko si Jian for the whole week? Anong klase kang ama-" tuloy-tuloy kong talak sa kanya at pansin kong agad nitong ibinagay sa mga security nya si Jian at lumapit sa akin. Hinablot nito ang batok ko at inilapit ang mukha ko sa mukha nya. Alam kong nakapinta ang takot at gulat sa mukha ko ngayon.

__
"Don't even go there, Ms. Viceral. Hindi mo ako lubusang kilala." he said through his gritted teeth. Nabigla ako sa inasal nito at pansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa Shangri-La. Agad naman nitong binitawan pagkakahawak sa akin nang mapansin ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. "Here's my card, I'll pay for everything." nanatili akong nakayuko sa kahihiyan at sakit ng loob. Nag-salita si Babot matapos masaksihan ang naganap.

__
"Hoy mister, huwag mong hinahawakan ng ganon yung kapatid ko, kung ayaw mong makatikim ng sapak! Kami na nga itong nagmamagandang loob, tapos yang ugaling ganyan ang igaganti mo? Aba naman!" sigaw ni Babot. Hinawakan ko lang ang kamay nito upang imosyon na itigil ang pag-eeskandalo. Hinila ko ito papasok ng boutique na malapit sa kinatatayuan namin.

__
"Bakit mo ako pinigilan?! Hindi ko mapapalampas yung ginaw- Vice?" napansin nito ang pag-tangis ko. May mga salesperson din na akma sanang magpapa-picture sa akin ngunit agad na itinago ang mga telepono nang mapansing umiiyak ako. Inasikaso nila agad ang pangangailangan ko.

__
"Ma'am Vice, water po." saad ng isang salesperson at inabot ang isang bottled water kasabay ng tissue na inabot din ng isa pa nilang kasamahan. Agad nila akong iniwan sa kapatid ko upang magkaroon kami ng privacy.

__
Niyakap ko agad si Babot at lalong umiyak. "May nagawa ba akong mali?" hinaplos-haplos nito ang aking likuran upang patahanin. "Wala kang nagawang masama. Ang tanging pag-kakamali na nagawa mo ay yung nakilala mo yung gagong 'yon." singhal nito. Lalo lamang akong naiyak.

__
"Sana nga hindi ko na sya nakilala. Hindi sana ganito kagulo ang buhay ko. Pero ayoko namang tawaging pagkakamali ang anak namin-" napatigil ako nang marinig ko ang salitang lumalabas mula sa aking bibig. Ramdam kong napatigil rin si Babot. Kumalas agad ito sa yakap at hinarap ako.

__
"Teka, ano?" natahimik ako sa tanong nito. "S'ya ba? S'ya ba yung-" tanong muli ni Babot. Dahan-dahan akong tumango. Napasinghap si Babot nang kumpirmahin ko ito. "Pa'no nangyari? Pa'no kayo nagka-kilala?"

__
"Nung pumunta tayo ng America para sa concert ko. Pumunta ako sa Vegas. Lasing ako no'n, hindi ko rin naman akalaing mabubuntis ako, so bakit ako magdedemand ng condom, hindi ba? Saka, hindi ko alam. First time ko 'yun eh. Ginusto ko rin naman, hindi nya ako pinilit." paliwanag ko. Napasapo naman sa noo si Babot.      (AN: Piksyunal lang po itong kwento. Aware po si Vice sa totoong buhay about sa mga contraceptives/protections. Pino-promote nya rin po ang pagko-condom pag nagjujugjugan. Nasa tiktok nya po iyon. Zengkyow!)

__
"SYA YUNG UNA MO?! Jusko naman! Dapat nagtatanong ka muna kase sa akin kung anong klaseng paghahanda ang gagawin mo, bago ka sumabak sa jugjugan! Saka, ke nabubuntis o hindi, kailangan ng condom palagi!" napahilot ito sa kaniyang sentido. Alam kong kailangan 'yon, pero nahihiya rin akong mag-tanong sa mga kapatid ko about sa mga ganyang bagay. May kabastusan kami magsalita minsan pero hindi kailanman sumagi sa isip ko ang magtanong tungkol sa sex.

__
"Sa tono ng pananalita mo, parang kulang nalang sabihin mo sa akin na pumalpak ako at malaking pagkakamali yung bata sa tyan ko ngayon. Ni minsan hindi ko inisip yang ganyan, Babot. Hindi man ako handa at may hinanakit man akong nararamdaman sa ama nya, mahal na mahal ko parin ang anak ko at tinuturing na isang malaking biyaya." Babot cringed as soon as I finished explaining.

__
"Naririnig mo ba yang sarili mo? Sinasabihan lang kita na protektahan ang sarili mo. Pano kung sapilitan na ginawa sa'yo? Pano kung may HIV pala yung tao? Ayaw lang kitang mapahamak." saad ni Babot at agad na tumayo. "Umalis na tayo. Kailangan mo na ring mag-pahinga dahil alam kong napagod ka ngayong araw. Tinext ko na si Kuya Jun at nagpadala ng maraming security para i-assist tayo palabas. Baka dumugin ka pa eh." nagpasalamat kami sa mga salesperson ng boutique at tuluyan nang umalis.

__________________________
__________________________

"Babbage, 'wag mong sasabihin kina nanay at ate yung kanina. Pati yung nangyari sa Shangri-La, okay?" tapos na kaming maghapunan. Kausap ko ngayon si Babot sa kwarto ko. 

__
"Alam mo, hindi kita maintindihan. Kanina lang, iiyak-iyak ka dahil sa ginawa nung gagong 'yon, tapos heto ka't ayaw mong ipaalam sa mga kapatid natin ang ginawa n'ya sayo kanina." tila hindi ito makapaniwala sa mga pasya ko. I slumpled on the bed, leaning back on the headboard. 

__
"Kung gagawin natin iyon, ilalayo nila ako at ang anak ko sa kanya. Kung ako, okay lang. Pero pa'no naman yung anak ko?" paliwanag ko habang nakatuon ang mga mata ko sa kisame.

__
"Yan lang ba talaga ang dahilan? Baka naman ayaw mo rin talagang ilayo ka namin sa kanya, dahil may nararamdaman ka na." paniniguro ni Babot. Agad na napunta ang atensyon ko sa kanya, hindi makapaniwala sa mga lumabas sa bibig nya. Napaisip ako bago nagbigay ng sagot. 

__
"Ayokong magsalita ng tapos. Baka darating ang araw na ganyan nga, pero sa ngayon, hindi pa. Sa ngayon, anak ko muna." prangkang sagot ko rito.

__
___________________________________

¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

-Ayan, na edit na HAHAHAHAHAHAHA

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now