CHAPTER SIX

182 14 0
                                    

__
Vice's POV

__
"Papa! I found mama!" sigaw muli nung bata nang lingunin ang lalaking pamilyar. 'Dios ko- ilayo n'yo muna ako sa issue, Lord! Kotang-kota ako na ako!' Ramdam ko ang paghila nito sa damit ko, pahiwatig na gusto nitong magtungo kami sa 'papa' nya. 

__

"Sis?" 'Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Lord!'

__
"Kayo na munang magtuloy dito. Aasikasuhin ko lang 'to." malakas kong bulong kay Anne at dali-daling umalis sa view ng camera. "Baby, let's go." tinakpan ko na lamang ang bata para hindi pag-piyestahan ng mga tao sa studio. 'Grabe naman, ano bang nangyayare?!' 

_________________
_________________

__
"Jian, I told you to stay close with the security. You can't just bother people like that." panenermon ng pamilyar na lalake. Nakita ko namang napayuko ang bata at maya-maya ay malakas na umiyak. Agad na nag-react ang pamilyar na lalake.

__
"Look, I'm sorry. I just got worried and it's really not nice barging in someone's place, especially when they're working." yayakapin nya sana ito, ngunit tumakbo sa akin ang bata at agad na itinaas ang dalawang kamay, gustong magpabuhat.

__
''Bawal ang pagbubuhat ng mga bagay, especially mga mabibigat.'' bigla kong naalala ang payo ng aking doctor kaya lumuhod na lamang ako para yakapin at patahanin ito. Wala naman akong magagawa. Bata ito, hindi ko naman matitiis. Saka bigla nalang talagang nagrerespond yung katawan ko na dapat akong may gawin kapag may batang umiiyak. Ewan ko, baka dahil buntis ako kaya ko nararamdaman 'tong mga ito. Matapos ng ilang pag-hagod sa likuran ng bata, naramdaman kong bumigat ang pag-akap nito sa akin. Mukhang nakatulog na.

__
"Umh, excuse me? Mukhang nakatulog ang bata. Kung pwede sanang kunin nyo na, kase may trabaho pa ako." pilit kong iniiwasan na tignan sa mata ang pamilyar na lalake. Agad naman itong lumapit sa amin at dahan-dahang kinuha ang bata sa aking balikat. "Ah- yes. Btw, I'm sorry about that. Don't worry, it'll never happen again 'pag bibisita ulit kami rito." pagpapaliwanag nito. 'Bibisita ulit?! Bakit?!' Tumango na lamang ako para hindi na humaba pa ang diskurso.

__
"I am Benigno Perez. A stockholder of ABS-CBN. You are Vice Ganda, right?" rinig ko mula sa kanya. I'm not a fan of small talk. Isa pa, wala akong panahon para kausapin pa sya, kaya tumango na lamang ako ulit. 'Ginawa ba naman akong kabit?!'

__
"I don't take gestures as answers. You have a mouth for you to use." malamig nitong tugon. 'Aba! Ang lakas naman ng apog nito at s'ya pa talaga ang may ganang umattitude?!' "Yes. I am." maikli kong sagot. Agad ko na silang nilayasan, hindi na ako nagsalita pa.

_______________
_______________

__
Matapos ng show, agad na akong pumunta sa aking dressing room para mag-pahinga.

__
"Ganda, eto na yung mga pinabili mo. Sigurado ka ba talagang kakayanin ng sikmura mo 'yan?" pag-aalala ni Jan. Isa-isa na nitong inihapag ang mga pagkaing pinabili ko. "Oo naman, jusko. Sarap kaya nito." kumagat na ako ng isang marshmallow habang tina-transfer ang mga pagkain sa plato. Abala ako sa paghahalo nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng dressing room ko.

__
"You have your own family all this time?! Since when?! And bakit nilihim mo for a long time- Pano nangyari 'yon?!" rinig ko mula kay Anne at nabigla ako nang mapagtantong nasa loob na rin pala ang iba ko pang mga co-hosts. "Guys, ayoko muna ng maingay. Tahimik akong kumakain dito, bigla-bigla nalang kayong sumusulpot? Saka, hindi ko naman kilala yung mga'yon, okay?" eksplika ko.

UNEXPECTED [UNFINISHED & UNDER EDITING]Where stories live. Discover now