Prologue (SPG)

320 22 3
                                    

⚠️Warning: Madulas. Slow down. Matured content. Read at your own risk⚠️

"Hey, Myrtle club tayo," sambit ni Rhea-my childhood bestfriend, nang makalapit sya sakin at inilingkis ang isang kamay sa braso ko.

"Ewan Rhea, baka busy ako mamaya," saad ko.

"Ano ka ba naman, napaka hard working mo naman. Enjoy mo rin sarili mo minsan 'di yung puro trabaho inaatupag mo. Tignan mo tuloy ang haggard mo na," pagsasalita ni Rhea habang sinusuri ang mukha ko.

"Pumapangit kana-Arayy ko naman," reklamo niya at sinamaan ako ng tingin pagkatapos ko syang batukan inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Clubbing is really not my thing kahit nung college ako isang beses palang ako nakapasok sa club. And i never wish to be in a club again, nakakasira ng eardrums ang lakas ng tugtog at nakakasuka pag may lumalapit sayo na lasing.

Hindi parin tumitigil sa pangungulit si Rhea kaya wala akong magawa kundi. "Sige na nga, manahimik ka na ang sakit mo sa tenga," saad ko at pinara ang tricycle na maghahatid sakin sa palengke.

"Talaga!? Omo, sure na yan ah. Puntahan ka namin sa bahay niyo mamayang gabi 6 pm sharp." napailing nalang ako, alam kong hindi ako mananalo sa pamimilit ni Rhea kaya mabuting pumayag na para tapos ang usapan.

Nang makarating sa palengke ay agad akong pumili ng mga preskong gulay at karne.

Pagka-uwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kusina, habang inihanda ang sangkap para sa lulutoin ko nang pumasok si mama sa kusina at lumapit sakin.

"Nak, ako na dyan," saad ni mama. Sinulyapan ko lang sya at binalik agad ang tingin sa ginagawa.

"Ako na Ma, magpahinga ka nalang po sa sala, ako na ang bahala dito." ngumiti ako sa kanya nang lingunin ko sya.

"Ako na magluluto nyan Myrtle, maghanda ka na dun at may lakad ka pa mamaya," striktong saad niya. Kaya napatigil ako sa ginagawa ko bago sumagot.

"Sino po may sabi sa inyong may lakad ako mamaya?"

"Nandito si Rhea kanina ipinag-paalam ka. Mabuti na rin yun para makapag relax ka naman kahit minsan." napabuntong-hininga nalang ako ng sabihin iyon ni mama.

"Mamaya pa naman yun, Ma..." pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko para mapatigil lang ulit ng agawin sa akin ni mama ang kutsilyo at itinaboy ako palabas ng kusina.

Napabuntong hininga nalang ulit ako bago naglakad paakyat sa kwarto ko. Pagkapasok sa kwarto ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang may kumatok sa pintuan.

"Anak nandito na sina Rhea bilisan mo d'yan!" sigaw ni mama sa labas

"Opo, malapit na akong matapos!" sigaw ko pabalik at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili.

Naglagay lang ako ng pink lip stick at pulbo saka ginawa kong messy bun ang buhok kong hanggang balikat.

Pagkatapos ay tinignan ko ang sarili sa salamin nakasuot lang ako ng above the knee sexy dress na pinaresan ko ng sandals.

Nang makuntento ay lumabas na ako sa kwarto at naglakad pababa, pagkababa ko ay nagtungo na 'ko sa dining table ng tawagin ako ni mama para kumain. Pagkarating ko sa hapag ay nandun na rin sina Rhea at Jayson, nakiki-kain.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kay mama na aalis na. Hindi na namin kaylangang mag-abang ng masasakyan dahil may dalang kotse naman si Jayson.

Nag sound trip kaming tatlo sa loob ng kotse habang nasa byahe patungong club just like that nakarating na rin kami sa destinasyon namin.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now