Chapter 9

74 3 0
                                    

Nakangisi akong umupo malapit sa sofa kung saan naka-pandekwatrong nakaupo si Mr. Zachary.

Nagsimula akong magha-hum ng kung anong kanta. Kinuha ko ang remote control na nakalapag sa center table para palitan ang pinapanuod. Pinalitan kasi ng lalaking kumag ang teleseryeng pinanuod ko kanina.

Gano'n pa rin ang ngisi ko lalo na nung nasa bandang kissing scene 'di ko na napigilang tumili at kinagat ang throw pillow na napulot ko sa kung saan.

"Ang sarap n'yan, Kath. Tirhan mo 'ko," parang tanga kong saad. Baka kasi maubos ni Katherine si Alden e.

Nang matapos ang scene na iyon ay napatingin ako sa kasama ko sa sala. Nakakunot ang noo at nakarehistro sa mukha ang pagkairita at pagtataka habang nakatingin sa 'kin.

Kanina niya pa ba ako pinapanuod? Kahiya.

"Ah, hello..." nahihiya akong ngumiti sa lalaki. "G-Gusto mo manuod?"

Tumango siya pero hindi nawala sa mukha ang pagkakunot ng noo, iritasyon, at pagtataka.

Nagdadalawang-isip ako kung iaabot ko ba sa kanya ang remote o hindi. Hindi pa kasi tapos ang pinapanuod ko baka palitan niya na.

What if palitan niya nga? E di, hindi ko matatapos ang teleserye. 'Di kaylangan kong gumastos pa ng load para lang tapusin 'yan.

Nakatingin ako sa kamay niyang unti-unting umangat para abutin ang remote. Sa isip ko ay nagma-manifest na ako. Sana sumakit braso niya para hindi niya tuloyang maabot.

Huwag, please.

I unconciously bite my lower lip and form my fingers to a crucifix. He noticed it, as if it's his cue to stop himself for reaching the remote control.

He folded his arms to his chest and heaved a heavy breath as the crease on his forehead deepened.

I also heaved a deep sigh as a feeling of relieve. 'Buti nalang gumana ang pagma-manifest ko. Grabe, L, ang bait mo sa 'kin.

Nang maka-recover ako ay binalik ko na ang aking atensyon sa TV. Dahil kilig scene ang naabutan ko ay kusa ngumisi ang aking mga labi, nakagat ko rin ang throw pillow para hindi mapatili.

Swerte ni Kathryn. She's able to hug, kiss, and cuddle with Alden.

Ako kaya when? What if mag-model na lang ako tulad ng sabi ng mga kaibigan ko?

Kapag nag-model ako't sumikat then I will be able to meet my favorite celebrities because I'm also a celebrity like them.

I will caught Alden's attention, then he'll fall for me. He'll court then I will say 'yes', hanggang sa marating namin ang kasalan. Gagawa rin kami ng sarili naming pamilya kasama si Hazel.

Napahagikhik ako. Kapag nangyari 'yun, edi ako na ang pinaka-maswerteng fan ni Alden sa balat ng lupa.

Para akong nasa cloud nine habang ini-imagine ang buhay ko kasama si Alden as my husband. Siguro green flag si Alden maging asawa. Mahina akong natawa dahil doon.

Ayoko sa masyadong maginoo. Gusto ko ng maginoo pero medyo bastos.

"You're creeping me out."

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang malalim na boses na nagsalita sa aking tabi. Nilingon ko ito para lamang magulat dahil ang lapit-lapit na niya sa akin.

"H-Ha?"

Ilang dangkal na lamang distansya na natitira ng mukha niya sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya at sinisilip na ang aking mukha. Marahil nagtataka sa kung bakit ako tumatawang mag-isa.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now