Chapter 11

76 3 0
                                    

Nagpahatid ako ng taxi pauwi sa apartment ko. Nagising ako kanina sa isang malaking kwarto pero agad ko ring nahulaan kung kaninong kwarto iyon dahil nakita ko ang maliit na frame na nakatayo sa bed side table.

Ako lang mag-isa sa buong bahay nang magising ako kaya nagtungo ako sa guest room na tinulogan ko nung isang gabi at hinanap roon ang aking damit at 'yun na ang sinuot pauwi.

Iniwan ko rin sa bahay ni Mr. Zachary 'yung pinasuot niya sa 'king dress at stilleto sa event na pinuntahan namin.

Baka pag bayarin pa ako kapag pati iyon iuuwi ko.

"Salamat po, Manong." pasasalamat ko kay manong driver pagkatapos kong iabot ang pamasahe at bumaba na sa sasakyan. 

Isang gabi lang naman akong nasa mansyon ni Mr. Zachary pero sobrang nangungulila ako sa maliit kong apartment. 

Padapa akong humilata sa kama ko at niyakap ang mga unan at kumot.

"Na-miss ko kayo. . . Miss niyo rin ba ako?" ina-amoy-amoy ko ang mga naiwan kong unan at kumot nung isang gabi. 

"Kahit 'wag niyo nang sagutin baka mawalan ako ng taong malay kapag sumagot pa kayo." 

Nang magsawa ako sa panggi-gigil sa mga gamit pantulog ko ay inabot ko ang cellphone. Ni-open ko ang cellular data dahil wala naman akong sariling wifi, 'tapos ay kasunod ko namang binuksan ang facebook app. 

Minsanan lang ako mag-open nitong app kasi wala lang, desisyon ako e. 

Wala rin naman kasing magandang lumalabas sa news feed ko, puro lang chismis hindi naman ako chismosa. Hindi halata. 

Nang maka-survive ako sa first step sa pag-o-open ng app since mahina ang signal ng sim kong mundo dito sa apartment ko, ay bumungad sa 'kin ang 15+ friend request, 9 messages, at 15+ notifications. 

Sino namang gagu ang magcha-chat sa patay kong account wala naman itong profile picture. 'Yung last post ko nga rito ay nung last two months pa. 

Una kong binuksan ay ang friend request pero agad rin akong umalis doon dahil hindi naman pamilyar sa akin ang mga nag-a-add. Sinunod ko naman ang notifications, na puro tagged at mentions na pinapangunahan nina Rhea, at Jayson. 

Hindi ko na nabuksan ang mga messages dahil biglang kumalam ang sikmura ko. Ngayon ko lang din naalalang tingnan kung anong oras na at nakita kong dis oras na pala ng gabi. 

 Bumangon ako sa kama at nagtungo ako sa kusina para maghanap ng makakain. May nakita akong isang pancit canton sa cup board at isang itlog. Kasya na siguro 'to sa dinner na may kunting midnight snack. Inuna kong iprito ang itlog at saka naman ako nag pakulo ng tubig.

Tagal ko namang sumahod kailangan ko nang mag-grocery. Mangangayayat pa yata ako bago dumating ang araw ng sahod ko. 

Habang inaantay na maluto ang pancit cantoon ay kinuha ko muna ang CP ko sa kama. Chineck ko ang messages at nakita kong nangunguna si Jayson doon. Pinindot ko ang pangalan ni Jayson na mayroong apat na chats at limang missed video calls.

Jayson Fuentes: 

Gala tau?

Nkita kta sa bar kanina,, mga kasama mu yong kasama mung mga lalaki?

Huy gagu nkita kta bakit ka sumama sa lalaki?!!!

You missed a video chat.

You missed a video chat.

Bakit wla ka sa apartment mu?

You missed a video chat. 

You missed a video chat. 

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now