Chapter 8

78 2 0
                                    

Kadiri. May laway ko na 'yon.

Nakangisi pa rin sa 'kin si Mr. Zach pagkatapos niyang nguyain at lunokin ang saging.

"You can wait me on the sala, I'll cook for our brunch." Pinisil niya ang aking ilong at muli akong nginitian nang matamis.

Para naman akong robot na sumusunod lang sa utos ng kaniyang amo. Hindi pa rin nawawala ang pamumula ng aking mukha hanggang sa pagdating ko sa sala ng kaniyang bahay.

Naglalaro sa isip ko kung paanong nakangiti ang lalaki habang nginunguya ang saging na galing sa 'king bibig.

Napatayo ako sa pagkakaupo nang maalala na may duty pa ako ngayon. Naglakad ako pabalik sa kusina para makita lang ang malapad na likod ni Mr. Zachary.  Nakayakap sa kanyang katawan ang kulay abo na apron, habang may niluluto sa harap ng stove.

Parang may bagong pangarap na ako ngayon. Gusto ko ng maging apron. Char!

I averted my gaze from his gorgeous broad shoulder. I cleared my throat, sinadya kong lakasan ang pagtikhim para iparamdam sa kanya ang presensya ko.

Nakataas naman ang isang kilay na nilingon ako ni Mr. Zach. Naroon pa rin ang naglalarong ngisi sa kanyang labi. Gwapo na siya kahit seryoso ang mukha pero mas gwapo siya ngayon kapag nakangisi.

"Gutom ka na?" kabakasan sa boses niya ang lambing.

Napalunok ako nang maamoy ang bango ng kaniyang niluluto. Marahan akong umiling at palihim na kinutkot ang aking kuko.

"Kaylangan ko ng umuwi. Late na ako sa trabaho."

In-off niya ang stove at tinakpan ang niluluto. Binaling niya sa akin ang kaniyang buong atensyon. Seryoso na ang mukha niya ngayon.

"Bakit ka uuwi?"

"Kailangan kong pumasok sa opisina ngayon."

Isang beses niya akong sinipat at tinalikuran din kaagad. "Nandito naman ang trabaho mo."

Kumuha siya ng mga plato sa lalagyan at doon nilagay ang kaniyang niluto para sa brunch.

Hindi na siya nagsalita at patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Hindi na rin ako umimik na nakatayo sa kaniyang likuran. Pinagmamasdan ko lang siya.

Napag-isip-isip rin ako habang nakamasid sa lalaki. Pwede naman sigurong 'wag muna akong pumasok ngayon, tutal hindi rin naman pumasok ang amo ko.

Nilampasan lang ako ni Mr. Zach at bitbit ang kaniyang niluto patungo sa round dining table. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya, at napansin ko na may kulang pa sa kanyang dala. Ako na ang kumuha ng isang pitcher ng tubig sa loob ng ref at dalawang baso at dinala ito sa lamesa.

Si Mr. Zach naman ngayon ang nakasunod ng tingin sa akin na naglalakad palapit sa lamesa. Nilapag ko ang dalang tubig at dalawang baso. Dumulog na rin ako sa lamesa kahit hindi niya pa ako niyayaya.

Nasa ibabaw ng lamesa ngayon ang isang bowl ng kanin, mayroon ring beef steak at iba pang frozen foods.

Nang makita niya akong papaupo na ay mabilis siyang kumilos para paghilaan ako ng upoan. In fairness, gentleman itong amo ko.

Iminuwestra ko rin sa kanya ang kaharap na upoan at nginitian siya ng matamis. "Kain na tayo."

Nauna na akong magsandok ng kanin. Sunod ko namang sinandok ay ang ulam. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng kaharap ko, pero hindi ko na iyong pinagtuonan ng pansin sa ngayon dahil gutom na ako.

Mamaya na din ako mahiya pagkatapos kong kumain. Nilantakan ko na rin agad ang pagkain na nasa 'king plato.

"Easy." inabutan ako ni Mr. Zach ng tubig na agad ko din namang tinanggap at isang lagukan na ininom.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now