Chapter 3

111 14 0
                                    

"Next time nalang talaga promise." itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.

"Sige na umalis ka na." pagtataboy ko sa kaniya at inirapan niya pa muna ako bago naglakad paalis.

Binasa ko muna ang laman ng folder bago ako tumayo at naglakad palapit sa pinto ng CEO's office. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko hinawakan ang siradura at pinihit pabukas ang pinto.

Nang makitang busy si Mr. Crawford sa monitor niya ay naglakad ako papalapit sa table at inilapag doon ang folder na pinadala ng Marketing Department.

Tumikhim ako at nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay peke akong ngumiti saka tumalikod at nag-umpisang maglakad.

"Ms. Myrtle Aquino!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag niya sa buo kong pangalan.

Nang umikot ako paharap ay nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na siya nakatayo habang nakapamulsa.

Nag-teleport ba 'tong lalaking to? Di ko man lang narinig ang mga yabag niya.

"B-Bakit?" utal kong tanong nang inisang hakbang niya ang pagitan namin, at bigla akong hinapit sa beywang hanggang sa gahibla nalang ang distansya ng mukha namin sa isa't-isa.

Nahigit ko ang hininga ko at kumabog ng mabilis ang puso ko, nang lumapat ang malalambot niyang labi sa akin.

Seconds later, natagpuan ko ang sariling nakikipaglaban at nakikipag-espadahan ng dila. Nakayakap ang dalawa kong kamay sa leeg niya at siya naman ay humahaplos ang kamay niya sa aking beywang pababa sa balakang at mahina akong napaungol ng bahagya niyang pisilin ang pang-upo ko.

Nang kapusin ng hininga ay hinihingal kong pinutol ang halik at nang tingnan ko si Mr. Crawford ay bakas sa mukha nito ang pagnanasa na nakatitig sa akin.

Akmang ilalapit niya ulit ang mukha sa akin. Bigla akong natauhan kaya agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa leeg niya at walang lingong-likod na naglakad palabas.

Malakas ang tibok ng puso ko na pumasok sa rest room at humarap sa salamin.

Sinabunotan ko ang sariling buhok dahil sa ginawang pagganti ng halik.

May fiancé si Mr. Zachary for god's sake at hindi ko dapat ginawa yun.

"Arrghhh!" inis kong sigaw at lumabas sa restroom. Naglakad ako pabalik sa table ko at ginawa ang mga dapat kong gawin.

Pagdating ng off-time ko ay inayos ko lahat ng gamit na nasa table. Ini-off ko ang computer. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa balikat bago tumayo.

Hindi na ako nagpaalam sa boss ko, tutal alam naman na niya kung anong oras ang off ko.

Habang nakatayo at naghihintay na bumukas ang elevator ay kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag at ni-text si Daisy, kung anong oras ang alis nila mamaya.

Nang bumukas ang elevator ay iniluwa nito si Ms. Everleigh Stewart ang fiancé ni Mr. Zachary Crawford. Nang lampasan niya ako ay saka lang ako pumasok sa loob ng elevator.

Di ko alam kung bakit parang may kirot akong nararamdaman sa puso ko habang tinitingnan ang fiancé ni Mr. Zachary.

Siguro dahil sa ginawa kong paghalik sa fiancé niya. Tama, tama yun nga.

Marahas kong ipinilig ang ulo ko ng maalala ang paghahalikan namin.

Pumara agad ako ng taxi nang makalabas ng building para magpahatid sa apartment ko. Habang nasa biyahe ay tinawagan ko sina mama para mangumusta.

"Hello, Mytle anak," boses iyon ni Mama sa kabilang linya.

"Hello, Ma. kumusta kayo diyan? Kumusta po si Hazel?"

Seductive Whispers: Embracing Desire Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum