Chapter 10

75 3 0
                                    

Tumahimik na lamang ako nang makita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Mahirap na baka bigla akong ihambalos nito sa dingding ng elevator dahil sa mga pinagsasabi ko.

Nang tumigil at bumukas ang elevator ay hindi pa rin binibitawan ni Mr. Zachary ang bewang ko. Hinintay rin muna naming maunang lumabas ang dalawang lalaki. Sinundan namin sila.

Siguro ka-business 'yun ni Mr. Zachary.

Pumasok kami sa isang hall kung saan maraming tao na mukhang mga into business lahat dahil sa mga suot. Mga elegante at sopistikada.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Mr. Zachary. Tumingkayad ako para maabot ko ang kanyang tenga para makabulong.

"Nakakahiya naman dito, ako lang yata ang nandirito na walang ka-pera pera."

Mukha yayamanin pa naman lahat ng tao dito. Halata naman kung paano sila tumayo, maglakad, manamit, at makipag-usap.

Halata ring sa iilan sa mga nandito ay nag-o-offer sa magiging kasintahan ng mga anak nila ng sampung milyon layuan lang ang kanilang anak.

"Marami akong pera." tinaasan niya ako ng isang kilay at inakay na akong maglakad muli.

Alam ko 'yun. Pikutin ko kaya 'to si Mr. Zachary tapos malalaman ng parents niya.

Syempre baka 'yung parents niya o-offeran rin ako ng sampung milyon. Papipiliin ako kung saan sa dalawa, sampung milyon ba o siya. At OFC, 'yung sampung milyon ang pipiliin ko.

Aanhin ko si Mr. Zachary kung mas nangangailangan ako ng pera.

Kung na sa 'kin na ang sampung milyon edi pwede ko na siyang bilhin.

Mindset ba!

"Crawford?" May lalaking naka-business attire at may hawak na cocktail sa isang kamay na naglalakad palapit sa 'min. Or so I say, palapit kay Mr. Zachary.

"Long time no see, man."

They do fist bump and both laughed. Wow, natigil ko yata ang hininga ko ng marinig ko ang pag halakhak ni Mr. Zachary.

I don't know when was the very last time I heard him laugh, baka nga 'di ko pa siya naririnig na tumawa ng ganito e. The way he laugh was just so... hot!

Nakita kong sumulyap ng dalawang beses sa akin ang kausap ni Mr. Zachary. Surprise were visible on his face.

"Your secretary?"

"Yeah... Myrtle, this is Ephraim, my cousin." Mr. Zachary shifted his gaze to introduce me to his cousin. Mag-pinsan naman pala sila kaya pala look gorgeous and smells expensive.

"And she's Myrtle, my secretary."

Ephraim? Ang unique ng name ah, saan kaya 'yan napulot ng parents niya. In all fairness, ang ga-gwapo ng genes nila. The guy in front of us speaks it all.

Gwapo pero mukhang loko-loko nga lang at makikita mong sa itsura pa lang halata nang babaero.

Sumipol ang lalaking si Ephraim. "Sexy, huh?"

Nag-init naman ang pisngi ko sa sudden compliment na 'yun. Well totoo namang nakaka-sexy itong dress na pinasuot ni Mr. Zachary sa 'kin.

"Hi, Mr. Ephraim..." I approached him in my low voice.

"Oh, drop the Mr., dear." he chuckled and offered his hand for a shake.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay para makipag-shake hands. Ang gaspang ng palad niya pero masarap naman damhin sa palad.

I look up to him and caught him smiling from ear to ear while staring at me.

Babawiin ko na sana ang kamay pero nang maramdaman niya iyon ay agad niya namang hinigpitan ang pagkakahawak para hindi ko tuloyang mabawi.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now