Chapter 7

84 5 0
                                    

Nagsalubong ang kilay ni Mr. Zachary nang makita akong tumungo sa round sofa sa kanyang gilid.

"Bakit d'yan ka naupo?"

"Saan ba dapat?" naisatinig ko ang dapat na tanong lang sa 'king sarili.

Ini-expect ba niya na tatabi ako sa kanya sa kama? Tss.

"I'll sing you a song para makatulog ka na," presinta ko. Maybe he wants someone to sing for him kaya hindi siya makakatulog.

I started humming for the intro of the song.

Tumikwas ang isang kilay ko nang makita ang mariin na pagkakalapat ng labi niya pero nasa mata naman ang emosyon na tila natutuwa. Pero saglit lang din iyon at bumalik rin sa pagiging blangko ang emosyon sa mga mata niya.

"You don't have to do that," mariin ngunit mahina ang pagkakasambit niya sa mga linyang iyon.

'Sus, kunware pa 'to.

"'Wag kanang mahiya, Sir. Hindi naman kagandahan ang boses ko para mabighani ka..." sabay ngiti ng plastik pero hindi ko iyon pinapahalata.

"Ako lang ang maganda." I plastered a sweet smile on my lips.

Kilay niya naman ngayon ang tumaas at tinitigan ako na para bang may joke akong nasabi.

Tinaasan ko rin siya ng kilay. Papatalo ba ako. Kung pataasan ng kilay syempre hindi ako papatalo pero kung pagandahan at pakapalan naman ng kilay. E aba hintayin niya ako at kukuha ako ng eyebrow pencil sa bag.

Napailing siya at tumayo mula sa kama. Nakapahimulsa siyang lumipat ng upo sa gilid ng kama kung saan mas malapit sa direksyon ko.

"Can you do me a favor?" malamig na sabi ni Mr. Zachary.

Tinitigan niya ako na para bang ini-examine niya ang magiging reaction ko sa kanyang tanong. Sinalubong ko ang kanyang malamig na tingin ngunit ako rin ang naunang umiwas.

Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal.

Marahan akong tumikhim para masiguradong hindi ako mautal. "What is it?"

"Sleep with me tonight." pinal na kanyang saad.

Bakas sa kanyang boses ang awtoridad.
Para bang pinapahiwatig na wala akong karapatang tumanggi dahil sa amo ko siya at empleyado niya lamang ako.

"Siraulo?!"

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa lalaking nakaupo sa harapan ko. Seryoso at malat sa emosyon ang mga mata na nakatitig sa akin. Pero agad ring pinaguhit ang ngiti sa labi.

Maliit siyang ngumiti. "I'm serious. I'll pay if you want. Tataasan ko rin ang sahod mo bilang secretary ko if you will sleep with me."

Nasisiraan na yata 'to ng bait at may balak pa yatang gawin akong kabit. At hindi lang do'n, parang tingin niya sa akin isa akong bayaran.

Napailing ako at sarkastiko akong ngumiti. "Mr. Zachary Crawford, kahit ano pang gawin mo, hindi mo ako mapapakumbaba para sumama sa'yo sa kama mo. Tandaan mo 'yan."

Napansin ko ang pag-iba ng kanyang mukha, mula sa pagiging nakangiti at mukhang mapaglaro, biglang nagbago ang kanyang expression. Naging seryoso siya, at tila may kahit konting panghihinayang sa kanyang mga mata.

"Just tonight. It's your bed." hinaplos ng kamay niyang may mahahaba at magagandang daliri ang bedsheet.

"Hindi ako bayaran. At kahit gawin mo pang isang milyon ang sahod ko bilang secretary mo, hindi mo pa rin ako makakasama sa kama..."

Kimi akong ngumiti sa kaniya. "Pero kung gagawin mo nga, pwede ba akong mag-advance, hehe."

Napapahiyang napakamot naman ako sa aking pisngi nang makita ko ang pagkagat ni Mr. Zachary sa kaniyang pang-ibabang labi. Parang nagpipigil ng tae- este ngiti.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now