Chapter 15

57 3 0
                                    

Pinaandar na ng driver ang sasakyan.

Makakapag-antay naman siguro kung ano yung 'something' na gusto niyang pag-usapan namin 'di ba?

Sumilip ako sa rear view mirror para tingnan kung nakasunod ba si Mr. Zachary sa 'min. Suminghap ako ng hangin nang makitang walang nakasunod na ibang sasakyan sa amin.

Pagkababa ko ng taxi ay busy ako kakakuha ng susi sa aking bag. Papasok na sana ako sa gate nang biglang may humawak sa palapulsohan ko at hinila palapit sa isang kotse.

"Myrtle, let's talk," Zachary demanded.

Kumabog ang puso ko nang maisandal niya ang aking likod sa kaniyang sasakyan, habang siya naman ay nakahawak saking dalawang palapulsohan.

"You've been distant since this morning, I don't have a clue what's the reason behind it..."

Tumigil siya sa pagsasalita kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya, na sana ay hindi ko ginawa. Dahil kaniyang napansin ang pamamaga at pangingitim ng ilalim ng mata ko. I forgot that I took off the aviators.

"What the hell happen to your eyes?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang umamba siyang hawakan ang aking panga para mas lalong matitigan ang mata ko. Hinuli niya ang tingin ko kaya napabuntong hininga na lamang ako at tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sakin.

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. "Bakit namamaga ang mata mo?"

Hindi ko siya sinagot at umiwas ulit ng tingin. Nagkunwari akong abala sa susi ng bahay na nasa kamay ko para mapigilan ang sariling sagutin siya. I don't have the energy enough to tell him about what happened last night, as if he cares anyway. Ramdam ko ang matalim na tingin ni Mr. Zachary sakin pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"I am asking you, Myrtle!" he coldly stated.

"None of your business, Sir." malamig ko rin siyang sinulyapan, at mahinang tinabig ang katawan niya para makadaan ako. "Pwede ba akong dumaan?"

"Oh, M-Myrtle nandito ka na pala. Hindi ka nagbreakfast kanina kaya hindi na muna ako umalis para maihanda kita ng lunch..." napatigil si Jayson sa pagsasalita nang makita niya kung sino ang nasa likuran ko.

"Thanks, Jay, busog pa ako." nilampasan ko siya at dumiretso ako sa kama ko para makapagbihis.

Mga ilang minuto din akong nakatulala sa kama. Bago ko naisipang icheck kung anong lunch ang inihanda ni Jayson. Nilibot ko ang tingin ko sa tahimik na sala at nakita kong walang tao kaya dumiretso na ako sa kusina. Mabuti naman at walang isa sa kanila ang nanatili dito.

Nasa gitna ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig kong bumukas ang pinto kaya nilingon ko ito. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Zachary na pumasok at may mga dalang paper bag sa dalawang kamay, napaangat ang nagtatakang tingin ko sa kaniya at nagtama ang paningin namin.

He stared at me blankly for a minute before he start walking towards my direction to put the paper bags on the table.

"What's that?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Sinulyapan niya lang ako pero hindi ako sinagot. Bumalik siya sa sofa at may kinakalikot na kung ano sa kaniyang cellphone. Tumaas ang isa kong kilay bago ako nagpatuloy sa pagkain. Saka ko na titingnan kung ano yang dala niya kapag busog na ako.

Paminsan-minsan akong sumusulyap kay Zachary hanggang sa matapos akong kumain. Naghugas ako ng mga pinagkainan 'tsaka ko nilapitan ang paper bags sa lamesa para tingnan kung ano ang laman. Nang makalapit ako sa paper bags ay sinulyapan ko pa siya ng isang beses at nang nakitang mukha wala naman siyang pakealam dahil busy siya sa kaniyang cellphone ay binuksan ko na ang isang paper bag.

Napakagat labi nalang ako nang makita ko ang laman ng mga bag ay mga prutas at gulay. Grabe kung si Jayson ay processed goods ang atake itong amo ko naman ay healthy living ang atake .

"Para saan 'tong mga 'to?" tanong ko kahit hindi ako sigurado kung sasagutin ba ako.

"For you, I guess."

'Di ba? Sabing wag nang magtanong e.

"Oh thanks, I guess," panggagaya ko sa tono niya.

Nilampasan ko siya at dumiretso ako sa kama ko bitbit ang isang piraso ng orange. Tutal para sakin naman daw 'to edi lalantakan ko na. Masama kaya ang tumanggi sa blessings.

"We should talk, Myrtle."

Napaangat ang tingin ko kay Zachary na ngayon ay nasa harapan ko na nakatayo habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng kama at nanunuod ng mini vlogs sa YouTube.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Sir."

"Bumalik ako sa office last night pero pagdating ko wala ka na doon. Was that the reason you're distant to me now?"

Last night... I was a bit distracted that I temporarily forgot what exactly happen last night. I was expecting for someone to grant his promise, I was harrased by strangers, someone saved me from those men, and I came home late. I poured my eyes out because of that event last night.

And he said he came back to the office but I wasn't there already. Was it actually my fault? If I just wait him there even if it was already late maybe I'm not get harrased, huh?

"It's nothing to do with you, Sir," I answered without looking at him.

It has nothing to do with him. Hindi siya ang nangharass sa akin, at hindi niya kasalanan ang nangyari sa akin. Hindi niya iyon responsibilidad kung hinintay ko siya kahit wala naman siyang sinabi. Hindi niya kasalanan kung umaasa ako.

"Then tell me what this is all about!" matigas niyang saad kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Nagbago ang emosyon sa mata niya nang magtama ang tingin namin. He looked at me gently like I am such a fragile thing. Pero baka guni-guni ko lamang iyon.

"Wala lang ako sa mood makipag-usap, may mali ba roon?"

"Then, at least tell me that you were not in the mood. Hindi yung basta mo nalang akong hindi papansinin like I did something wrong!" saad niya at gumalaw ang kaniyang panga.

"Hindi ko naman alam na big deal sayo iyon." napalunok ako sa uri ng titig niya sakin.

He coldly stared at me like I am such dumb. "Of fucking course it's a big deal to me!"

Oh to have such a demanding boss, huh? I didn't know it had something to do with him if I am not in the mood to interact. Mas malala pa yata pagiging demanding nito kesa kay Jayson.

"Okay, next time sasabihin ko na kung sakaling wala ako sa mood."

Akala ko tapos na siya ngunit hndi pa rin nagbago ang malamig niyang tingin sakin kaya nag-isip ako kung may nagawa pa ba akong big deal sa kaniya.

©: ayzarae

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now