Chapter 21

48 2 0
                                    

Pinapasok ko siya sa loob at hinayaang maupo. Tahimik akong bumalik sa ginagawa ko sa kusina, iniisip kung ano ang ginagawa niya rito.

Ano na naman kaya ang sadya niya rito. The last time he was here, we did the thing that aren't  supposed to happen. Kaya ba ulit siya nandito para doon? Ganoon na ba siya katigang para kung kani-kanino na lang maglalabas ng semilya.

Tumingin ako sa kaniya at napailing na lang nang makita siya na komportableng nakaupo sa isa sa mga upoan ko dito sa apartment.

Hindi naman siya mukhang hindi satisfied sa ginawa nila ng fiancée niya kahapon sa loob ng office, dahil nakalimutan niya na ngang magpalit ng damit.

Masyado akong abala sa pag-iisip at hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang aking ginagawa. Napakislot ako at napaaray nang matamaan ang daliri ko sa hawak na kutsilyo. Binaba ko ang kutsilyo para hugasan ang daliri na may dugo. Hindi naman siya masyadong mahapdi kaya keri na.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa 'kin si Zachary na may pag-aalala. I was about to continue cutting the ingredients when Zachary firmly held my hand. My heart skipped a beat at his action.

He looked at the cut on my hand and shook his head, "How clumsy..." he mumbled softly.

He shook his head and motioned for me to sit on the dining chair. I pulled my hand away and didn't follow what he wanted. He should be the one to sit!

Nagmatigas ako. "Kailangan kong tapusin 'to at baka malapit na sina Jayson."

Nawala ang pag-alala sa mata niya at naging seryoso. "Sit. Ako na ang bahala rito," baritono niyang ani.

Hindi ko siya sinunod kaya hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iginiya patungo sa lamesa kung saan may mga upoan. I am wearing a floral sleeveless dress. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad na nakalapat sa balikat ko.

"Ikaw dapat ang naupo at hindi ako pinapakealam!" pagpupumiglas ko.

Hinigpitan niya ang hawak sa 'king balikat. "And then what? I'll watch you cut yourself?"

Pinaupo niya ako bago siya bumalik sa harap ng lababo para tapusin ang ginagawa ko. Naiinis kong pinanuod ang kaniyang likuran. I was looking at his broad shoulders. Nakaputing polo siya na hapit sa kaniyang katawan at nakatuck-in ito sa itim na slacks. Habang pinapanuod ko ang kaniyang likuran ay napansin ko na hindi siya nababagay sa maliit kong kusina.

"Ano bang lulutoin mo?" mababa niyang tanong nang hindi humaharap sa 'kin.

I don't know if he knows how to cook sinigang though. Imbes na sagutin ay tumayo ako at lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang kaldero na may laman na malinis na tubig at isinalang sa stove. Naramdaman ko ang tingin ni Zachary sa 'kin kaya napalingon ako sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay at inulit ang nauna niyang tanong.

"Sinigang," maikli kong sagot. Tumango lamang siya at hinugasan na ang nakahandang karne ng manok at mga gulay.

Hinintay kong kumulo ang tubig. Nang kumulo na ito ay kukunin ko na sana ang karneng manok para isalang ngunit pinigilan ni Zachary ang aking kamay.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "What are you doing? Kumukulo na ang tubig!"

Hindi niya ako pinansin at siya na mismo ang naglunod ng karne sa kumukulong tubig. Pagkatapos niyang ilunod ang karne, sumandal siya sa may lababo. He crossed his arms and stared at me. Nac-concious ako sa titig niya at hindi ko siya kayang titigan pabalik.

Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin-tingin, at paggawa sa ibang bagay para balewalain ang nakakalusaw niyang titig. Tiningnan ko ang ceiling at napansin ko na kailangan ko na palang mag general cleaning.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now