Chapter 4

102 9 0
                                    

I saw you kissing inside his office

Para akong tinakasan ng dugo sa narinig.

"Wala kaming relasyon," walang emosyon kong sagot.

He scoffed, "Yeah? wala kayong relasyon pero naghahalikan. Ano yun friends with benefits or work with benefits? Baka hindi mo alam na may fiancé iyong kahalikan mo, Ms. Aquino."

"I know. Alam kong may fiancé siya." nagbaba ako ng tingin sa baso, ayaw kong mabasa niya ang emosyon sa mga mata ko.

"You know naman pala eh! Then, why the hell you kissed him!?" pabulong niyang sigaw. Alam kong hinuhusgahan niya na ako ngayon kasi nakipag-halikan ako sa taong may fiancé na.

I looked up and stared him blankly straight in his eyes. "Kasalanan ko ba kung marupok ako? And also, let me rephrase your words, I didn't kissed him. He's the one who kissed me."

Napakunot naman ang kaniyang noo ng marinig ang sinabi ko.

"What!?" lalong nagkasulubong ang kaniyang mga kilay. "You don't even bothered to push him?"

"Paano ko nga siya itutulak, e' marupok nga ako diba?" bingi ka ba? Gusto kong itanong iyon kaso wag nalang baka magkanda-buhol-buhol na 'yang kilay niya sa sobrang pagkakunot.

Napailing-iling nalang siya at tinungga ang laman ng shot glass niya bago tumayo at iniwan ako mag-isa sa table.

Tumayo ako nang maramdaman kong parang naiihi ako, pinikit ko ang mga mata nang maramdaman ang pagkahilo bago pagewang-gewang na naglalakad sa gitna ng kumpolan ng mga taong nagsasayawan, papuntang restroom.

I was about to get out from the cubicle when I heard somebody's voices. I stayed more seconds inside the cubicle I occupied, to eavesdrop their topic.

Yeah, i stay in the cubicle to eavesdrop. Malay mo naman baka may makalap akong chismis. Edi okay yun, umihi ka lang tas pagbalik mo may baong chismis ka na. Don't just try to deny it, 'cause I know you also did secretly eavesdropping on someone's conversations.

Since im not familiar with their topic, i decided to just get out from the cubicle and ignore the ladies' fixing theirselves infront of the mirror.

Nang makalabas ako ng cubicle dumiretso na ako sa pinto palabas ng restroom, hindi na ako nanalamin para tingnan ang itsura ko. Because I only have one thing in my mind right now.

I want to go home na, gusto ko nang matulog dahil may duty pa ako bukas.

Pagewang-gewang akong naglakad pabalik sa pwesto ng table namin kanina, medyo umiikot na rin ang paningin ko, nahihilo ako dahil sa mga taong malilikot na nagsasayawan at idagdag pa ang disco light.

Kaya ayaw na ayaw kong mag-clubbing eh, nakakahilo.

Pagkarating ko sa table nandun na sina Daisy, Mark at Gerald.

Si Carlo? I don't know.
Siguro nakadali na yun ng babaeng pampalipas ng gabi.

Naabutan ko si Daisy na nakasubsob ang mukha sa table habang ang isang kamay may hawak na shot glass.

Si Mark naman nakikipag-harutan sa babaeng 'di ko kilala na nakaupo sa kandungan niya.
While Gerald is still sober. He's busy doing or texting something or someone on his phone. I don't know!

"Saan ka galing?" tanong ni Gerald sa'kin ng mag-angat siya ng tingin at ibinulsa ang cellphone.

"Restroom," maikling sagot ko. Tinitigan niya lang ako bago tumayo at inilahad ang kamay sa'kin.

"Tara, ihahatid na kita pauwi."

Since i badly want to go home na already and I trust Gerald also, that he won't put me on danger or take an advantage on me. Napaka-feelingera ko naman kung iisipin kung i-take advantage ako ni Gerald.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now