Chapter 1

156 16 3
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng isang café nagpapahinga. Kahapon pa ako nag-a-apply ng mapapasukang trabaho pero narereject agad ako.

Pagod na ako kakahanap ng mapapasukang kompanya pero kaylangan ko 'to para sa pag-aaral ng kapatid ko at para na rin kay Hazel.

Apat na kompanya na ang na-applyan ko pero lahat yun? Umuwi akong sawi. Isang kompanya na lang ang natitira na hindi ko pa nasubukang applyan na nasa listahan ko at yun ay ang Crawford's Corporation, kabilang ito sa mga well-known companies ng bansa.

Nasa panghuling listahan ito dahil balita ko napaka-ruthless ng CEO sa kompanyang 'to.

Pagkatapos kong sumimsim sa inorder kong frappé, ay tumayo na ako at lumabas na para mag-apply sa kompanya na nasa kabilang bahagi ng highway.

Habang nakaupo sa isa sa mga upoan para sa mga applicants na nasa labas ng CEO's office at hinihintay na tatawagin ang pangalan ko ay 'di ko maiwasang kabahan.

Nang tinawag na ang nasa harapan ko ay lalong pinag-pawisan ang aking mga kamay hanggang sa lumabas ang babae na laylay ang balikat.

"Miss Aquino, pasok na po kayo." tumayo agad ako nang tawagin ang pangalan ko. Habang naglalakad patungo sa pintuan ng opisina, ay hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding kaba.

Pagkapasok ko pa lamang ay nanuot na agad sa aking ilong ang panlalaking pabango. Nakatalikod sa akin ang CEO ng kompanya kaya 'di ko kita ang itsura niya.

Napaigtad ako ng bigla syang humarap sa gawi ko at matiim na nakatingin sa akin.

"Are you going to stand there the whole time?" napanganga ako ng marinig ang baritono niyang boses, nakakunot ang kanyang noo na tila bagot na bagot.

Strong and pointy nose, manipis na mga labi, square jaw.

"I know I'm handsome. But, don't you think that you have to say something, Miss Applicant?"

Napakurap-kurap naman ako ng marinig ko ulit syang magsalita. Tss boastful.

"A-ahm.." tumikhim muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita "I'm Myrtle Aquino, 28 years old, I graduated in—" napatigil ako sa pagpapakilala nang magsalita ang aking future boss kung papalarin.

"Why do you think, you deserve to be my secretary Ms. Aquino?"

"I need this work so bad, Sir. Kailangang-kailangan ko 'to at ng pamilya ko," I managed to answer kahit na nanginginig na ako sa kaba at marami na ring what if's na pumasok sa isipan ko.

"Is that all?" tanong ng CEO.

"If I will be your secretary, Sir, I'll do everything you want me to do," dagdag kong sagot at bahagyang tumango.

"Okay, then. Order two cups of coffee outside." napatingin ako kay Mr. Crawford ng sabihin niya 'yon.

"Ako po ba ang kinakausap niyo sir?" tanong ko. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya.

"Akala ko ba, ‘you need this work so bad’?"

"Pero sir. I-Ibig nyo po bang sabihin tanggap na ako?" naguguluhan kong tanong.

Simpleng tango lamang ang itinugon nya sa tanong ko habang nakatingin parin sa'kin. Nanunubig ang mga mata habang humingi ng salamat at naglakad na palabas ng opisina.

Habang nasa elevator hawak ko sa isa kong kamay ang dalawang coffee na inutos ni ng boss ko. Di ko maiwasang mapangiti dahil sa hindi inaasahang pagkatanggap ko sa trabaho.

Nang tumigil at bumukas ang elevator ay lumabas na ako at naglakad patungo sa opisina ng CEO. Hindi pa man ako tuloyang makapasok ay rinig ko na ang boses ng boss ko na tila may kausap sa cellphone.

Seductive Whispers: Embracing Desire Where stories live. Discover now