Chapter 2

21 6 0
                                    

After school, I went straight home. Since I have no friends, I have nowhere to go after school like hanging out with some people. Hindi na ako sumasama sa kani-kanino lang. I've already learned my lesson.

"I'm home!" I said as soon entered our two story home with flower designs all over the place.

My Mom loves flowers so much kaya bawat sulok ng bahay may Iba't ibang uri ng bulaklak. And we also have a mini garden outside na alagang-alaga ni Mom kahit busy siya sa trabaho niya.

Masakit sa mata minsan pero dahil gusto ni Mom, okay na lang din sa amin ni Dad.

No one answered me so I guess they're still not at home. Weekdays means workdays for Dad and Mom. And usually late silang umuuwi lalo na pag busy sila sa work. Mom is a Hotel Manager and Dad is a Pediatrician by the way.

I throw my bag on the couch and walked in to our kitchen. I'm starving. Hindi pa ako nag-s-snacks. Maybe Mom left some food in the ref.

Though when I opened the ref, there is no food.

I groaned, close back the ref, and went back to the sala. I grab my bag and walked up to the staircase. Nasa second floor ang bedroom ko.

After taking a short bath, I changed my uniform into a baby blue oversize cotton shirt and we bare bears pajama. It looks so cute and really comfortable.

Then I called Mom but she didn't picked it.

From Mom:
can't answer u rn, swt. later, k?

Napanguso ako nang mabasa ang message ni Mom. I decided to call Dad too. Pipindutin ko na sana ang button para tawagan si Dad pero naisip ko na baka busy din siya sa trabaho kaya hindi ko nalang tinuloy. Maybe later na lang.

Nag-reply lang ako ng 'okay po' kay Mom bago ko hinagis ang phone ko sa aking kama.

Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa study table ko at umupo roon habang tinutuyo ko ang basa kong buhok gamit ang tuwalya. I don't want to sleep with wet hair.

Sinagutan ko na lang ang homeworks ko dahil wala naman na akong gagawin pa. It's not that hard kaya madali ko lang natapos. Hindi ko na namalayan ang oras. It's already 6:30 p.m. when I finished it.

Napahikab ako sabay unat sa aking mga braso. Umalis ako sa pagkakaupo sa aking swivel chair at mabilis na humiga sa napakalambot kong kama. Ah... I miss my bed so much.

Out of nowhere, he popped into my mind. The new head of the SLU. Cebastian De Fermoso.

Something really feels off about me. Sumusulpot nalang siya sa utak ko bigla kahit hindi ko naman siya gaanong kakilala. Dahil ba sa pagkikita namin kanina?

I was in deep thoughts that I didn't realized that I am slowly falling asleep.

When I woke up, my body somehow feels heavy. Nilalagnat yata ako. Sobrang bigat kasi talaga ng pakiramdak ko na hindi ko maipaliwanag. Madilim na sa labas at naririnig ko ang kaluskos ng mga tanim sa dahil sa lakas ng hangin na may kasamang malakas na ulan.

Bigla akong nagtaka. Wala naman akong nabalitaan na uulan ngayong araw. At maganda ang panahon kanina kaya nakakapagtakang parang ang lakas ng hangin at ulan ngayon.

Dumating na kaya sila Mom at Dad?

Kahit mabigat ang katawan ko, pinilit kong umalis sa kama ko bago nagsuot ng pambahay na tsinelas. Naglalakad ako papunta sa pinto palabas ng kwarto ko nang bigla nalang dumilim ang paligid. Nawalan yata ng ilaw.

Napangiwi ako. Wala akong makitang kahit ano. Takot pa naman ako sa dilim.

Ngunit muntik na akong mapasigaw nang bigla nalang kumidlat nang malakas. Napaupo ako sabay takip sa aking tenga. Suddenly, I felt chills all over my body.

Eyes On HerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα