Chapter 6

17 7 0
                                    

"To tell you the truth, I don't like your performance this past few days, Miss Ruiz. Napapansin ko na palagi ka nalang lutang sa klase ko."

Napabuntong-hininga si Ma'am Luengas habang nakatingin sa akin. Nakatayo ako sa gilid ng table niya at nakayuko ang ulo. Tulad ng sinabi niya kanina ay pumunta ako sa Office niya.

I was quite expecting na pagsasabihan niya ako. And now it's happening.

"Pasensya na po, Ma'am." Napakamot ako sa batok ko. "Family problems lang po."

I don't have any reasons to say except that. Hindi naman pwede na sabihin ko sa kaniya na 'may nakilala po kasi akong gagong bampira na hindi ako pinapatulog sa gabi'.

Napabuntong-hininga si Ma'am Luengas habang nakatingin sa akin.

"Please lang, sana hindi na maulit na hindi ka makakasunod sa mga discussions natin. Your final exam is coming soon. Be prepared para hindi ka bumagsak, Miss Ruiz."

Napangiwi ako ng palihim. "Yes, Ma'am."

She gave me some reminders para before she dismissed me. I bowed my head as respect before I shifted my foot to faculty's s door. Pero akmang hahakbang na ako nang bigla nalang akong napatigil nang makita ang makakasalubong ko.

He also stooped and look back at me. It was the Headmaster with his secretary beside him. I immediately looked away. I acted like I didn't saw him.

Hindi ko siya pinansin at nakayukong naglakad ako palabas. Paglabas ko ay doon lang ako nakahinga ng maayos. Napahawak ako sa dibdib ko at marahang tinapik-tapik 'yon para pakalmahin ang puso ko.

Hindi ko na kailangan pa na sumakay ng kahit anong sasakayan para makauwi. Walking is enough for me to reach out house. Tahimik lang akong naglalakad nang bigla nalang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod.

"Pierce, hey!"

Napalingon ako sa likod. I saw Lorenzo running towards me. He has a wide smile on his face. Ang kaniyang bag ay nakasabit sa kaniyang balikat. Siguro uuwi na rin siya tulad ko.

Hinihingal na tumigil si Lorenzo sa harap ko. I waited for him to calm his breathing.

"Yes?" sabi ko. "May kailangan ka?"

"Uuwi ka na ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Yeah."

Umayos siya ng tayo at inayos ang pagkakasabit ng bag niya sa kaniyang balikat. "Sabay na tayo. Same lang naman ng way ang bahay ko sa bahay niyo e."

Palihim na kumunot ang nuo ko. Pano niya nalaman na same lang ang daan papunta sa bahay namin?

"Bahala ka," I shrugged before I continued walking.

Hindi ko naman pagmamay-ari ang daan para pigilan siyang sumabay sa akin. Tahimik lang kami hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Uhm... would you minds if I ask you something, Pierce?"

Sumagot ako nang hindi lumilingon sa kaniya. I can feel his gaze on me though. "Hindi naman kung maganda sa pandinig ang tanong mo. Ano ba 'yon?"

Natawa siya bago napatigil sa paglalakad. Napatigil din ako para tumingin sa kaniya. Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Mabuti nalang at walang gaanong sasakyan ang dumadaan kaya hindi maingay sa puwesto namin.

Nagsalita na siya pero hindi ko narinig dahil may bigla nalang bumisina na sasakyan sa likod namin. Napatingin ako at nakitang may nakatigil na itim na sasakyan hindi kalayuan sa amin. Iniwas ko ang tingin ko dun at ibinalik kay Lorenzo.

Eyes On HerWhere stories live. Discover now