Chapter 9

10 3 0
                                    

Pagkatapos akong ihatid ng headmaster sa classroom ko. Ayaw na akong tantanan ng mga classmates ko. Palaging may nakasunod ang mata sa akin kaya hindi ako makapag-concentrate sa klase!

Natigil ako sa pagligpit ng mga gamit ko nang lumapit sa akin ang isa kong kaklase. Hindi ko matandaan ang pangalan niya pero maganda siya.

"Uy, Pierce! Ano 'yon kanina?" tanong niya sa akin na para bang close kami.

Napalingon ako sa mga kaklase kong hinihintay ang sagot ko. Ang iba n

"Don't mind that. It's nothing. Really," I said.

"Headmaster pala ang bet mo, Pierce," sabi naman ng isa ko pang kaklase.

Nagsimula na ulit silang magbulungan. Napailing nalang ako bago nilisan ang classroom. Hindi ko na binigyang pansin ang mga walang kabuluhang tanong ng mga kaklase ko.

Days passed by and it's already weekend again. Umaga pa lang ay nagre-review na ako pero ang sarap magmura dahil walang pumapasok sa utak ko. Kulang na lang ay kainin ko na ang binabasang notes para lang ma-gets ko 'yong pinag-aaralan ko.

Hapon na kaya siguro hindi na gumagana ang utak ko.

"Anak, aalis na kami!" narinig kong sigaw ni Dad mula sa baba.

Tumayo ako sa inuupuan at lumabas agad ng kwarto. Ngayon pala sila aalis para mag-out of town. Siguro gagawa na sila ng magiging little brother ko. Char!

Naabutan ko sila sa labas ng bahay. Si Dad ay pinapasok sa loob ng compartment ang bagahe nilang dalawa. They will have a two-week vacation in Mindanao. Gusto ko sanang sumama kaso may klase pa kami.

Lumapit ako kay Mom na nakatayo sa gilid ng kotse at niyakap siya. She hugged me back and pat my head softly. Nakita kong naglakad si Dad palapit sa amin.

"Don't forget my pasalubong, Mom."

"It's for my only baby girl so I can't forget it!" nakangiting sabi ni Mom.

"Don't miss us too much, baby girl!" natawa si Dad. "Uuwi din kami agad."

Napanguso ako. "Hindi pa kayo umaalis, nami-miss ko na kayo."

Nagkatinginan sina Dad at Mom bago parehong natawa.

We had a little talk before they decided to go already. I was now standing outside the car, waving at them who's already inside it.

"Save driving, Dad!" paalala ko.

"Yes, Ma'am!" sumaludo si Dad sa akin.

Natawa kaming dalawa ni Mom bago sila tuluyang nagpaalam sa akin. I waved for the last time as the car accelerated, leaving me alone in front of out house.

"Bye! Love you two!" sigaw ko kahit alam kong hindi na nila ako maririnig.

Ilang segundo pa akong nanatiling nakatayo bago ko naisipang pumasok na ulit sa loob ng bahay. Ngunit hindi pa ako nakakapasok ay may biglang lumitaw na bata sa harap ko. Sa gulat ko ay muntik na akong mawalan ng balanse.

Napakadungis ng bata. Siguro manlilimos 'to.

"Ate!"

"Yes?"

"Ang pangalan mo po ba ay Pierce Ruiz?"

"O-Oo...? Bakit? Kilala mo ba ako?" tanong ko.

Nagtaka ako dahil hindi naman matunog ang pangalan ko sa lugar namin. Minsan lang ako napapansin dahil hindi naman ako gaanong lumalabas ng bahay.

Biglang tumaas ang balahibo ko sa katawan nang bigla itong ngumisi sa akin. 'Yong ngisi na parang hindi bagau sa kaniya. Ngisi na sa tingin ko ay nagbabadya ng masama ang susunod na sasabihin niya sa akin.

Eyes On HerWhere stories live. Discover now