Chapter 11

16 3 0
                                    

"Omg! Hola! Annyeong! Hi, Pierce!"

Napatigil ako sa pagsubo ng burger nang may babaeng tumabi sa akin sa bench na inuupuan ko sa loob ng campus. It was French, grinning from ear to ear. May hawak din siyang burger sa kamay niya na hindi pa nakakagatan.

Napatitig siya sa akin. "What happened to your eyes? Kulang ka sa tulog, sis?"

"... kind of," I mumbled.

The truth is, I was wide awake the whole night. Maybe alas kwatro na ng umaga ako nakatulog. I think I only slept for two hours dahil gumising ulit ako para maghanda sa pagpasok sa school. I have to prepare a breakfast of my own dahil wala si Mom.

"Hulaan ko kung anong dahilan," a teasing grin flashed on her face.

I raised a brow. "Ano?"

"Iniisip mo si Sir De Fermoso!" malakas na sigaw niya.

"Hey!" mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

Namilog ang mata ko at napalingon sa paligid ko. Mabuti na lang at walang tao nang isigaw niya iyon kaya nakahinga agad ako nang maluwag. Inagaw ko ang kamay ko sa bibig niya at sinamaan siya ng tingin. Napanguso ito.

Ang ingay naman ng babaeng 'to. At tsaka bakit nagfi-feeling close na naman ang babaeng 'to sa akin? Hindi naman kami friends para makialam siya sa buhay ko.

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko. Seryoso ko siyang tiningnan. "What's going on between me and the headmaster is completely none of your business. You don't have to cross the line, Fretch."

"I thought we're friends?" kinagat niya ang kaniyang labi, naiiyak na.

"I never said that we're friends," I said grimly.

"But... I-I want to be your friend." She pouted her lip.

"You know what..." I sighed. "To be frank, I never wanted a friend."

Mabilis kong linisan ang lugar na iyon. Hindi ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. Ang kulit e.

I spend my week studying for our final exam and wondering what might happened to Lorenzo. At sa buong linggo ay walang lalaki na ginugulo ang isip at puso ko. Hindi ko na nakikita si Sir De Fermoso kaya minsan ay naiisip ko siya. Minsan lang naman. Hindi palagi.

Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi naman niya sinabi sa akin.

Next week pa ang uwi nila Mom at Dad kaya mag-isa parin ako sa bahay. I'm getting used to it pero palagi ay napaparanoid ako lalo na sa gabi. Natatakot ako na baka may biglang magtangkang pasukin ang bahay namin at dukutin ako kagaya ng ginawa kay Lorenzo.

I was in the library, studying, when I heard some squeals outside. Picking up my stuffs together with the books I borrowed, I stepped out of the library. There I saw a bunch of girls looking for someone. I can see an imaginary heart shaped eyeballs in their eyes.

I was about to walk passed to them when someone shouted my name. Napalingon ako pabalik sa aking likod.

"Pierce Ruiz!"

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang tumawag sa akin gamit ang buong pangalan ko. Muntik ko nang mabitawan ang bitbit kong gamit nang tumakbo ito palapit sa akin. Ang mga babaeng nakasunod ang mga mata sa kaniya ay umasim ang mukha habang nakatingin sa akin.

But I don't care. This is the most bewildering moment of my entire life. Just ... how come?

"Y-You're... a-alive?" hindi makapaniwalang bulong ko.

He stopped infront of me. He... looks more different. What happened to him?

Lorenzo let out a small laugh. "Mukha na ba akong patay ngayon?"

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 25, 2022 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Eyes On HerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora