Chapter 3

18 6 0
                                    

"May sakit ka ba, Pierce? Kanina ka pa walang kibo," komento ni Dad nang mapansin ang pananahimik ko.

Sabado ng umaga. Wala akong pasok sa school at day off ni Mom at Dad. Sa kasalukuyan ay sabay kaming tatlo na nagbi-breakfast. I don't have an appetite.

Napakurap ako at nag-angat ng tingin mula sa plato ko na hindi ko pa nagagalaw. Nakatingin si Mom at Dad sa akin. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"Napapansin namin ng Mom mo na kagabi ka pa tahimik, Pierce. May problema ka ba, 'nak?" sunod na tanong ni Dad.

Napalunok ako. "W-Wala naman po akong problema, Dad."

"Hindi na ba masarap ang luto ko?" nag-aalalang tanong ni Mom.

Umiling ako at pinilit na ngumiti sa harap nila para hindi sila mag-aalala.

"N-No, Mom. I-It's not like that..." napangiwi ako. "May iniisip lang po ako."

"About ba sa studies mo?"

"Parang ganun na nga po..." nakayuko kong sabi.

Hindi ako sanay mag sinungaling sa kanila. Pero sa mga ganitong bagay... paniniwalaan kaya nila ako?

Marahang tinapik ni Dad ang tuktok ng ulo ko. "Pwede mo bang sabihin sa amin? Maybe we can help you, sweetie."

Ilang saglit akong nag-isip. I was about to say something but I decided not to. Umiling ako. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang napanaginipan ko kagabi. Masiyado kasing weird.

Akala ko ay pipilitin ako ni Dad na sabihin sa kanila pero ngumiti lang siya bago lumingon kay Mom.

Mom smiled sweetly at me. "If you're not okay with sharing it, it's fine us. Just don't forget that your Dad and I will always here, alright, sweetheart?"

Kahit papaano ay medyo nabawasan ang bigat na dinadala ko. "Opo."

"Do you still want to eat? Or you prefer eating your breakfast outside? Your Mom and I will go out for a date, baka gusto mong sumabay," Dad suggested, trying to lift my mood.

Napanguso ako. "Gagawin niyo lang akong third wheel e."

Nagkatinginan si Dad at Mom bago sabay na natawa. Wala na akong nagawa at napagdesisyonan kong sumama na lang sa kanila. Ayokong maiwan na naman mag-isa sa bahay. Baka makatulog ako tapos mananaginip na naman ako ng masama.

I decided to wear a plain black tee and high waist faded jeans paired with white converse shoes. Hindi ako fan ng dress at sandals pag gumagala kami. Maliban nalang kung magsisimba kami.

Nag-pulbo lang ako bago lumabas ng kwarto dahil hinhintay na ako sa labas ni Mom at Dad. Siguro makakalimutan ko saglit ang masamang panaginip ko kagabi pag gumala ako ngayon.

I don't want to think about it anymore. It's giving me goose bumps every time it flashes on my mind.

Later on, I found myself inside the largest Mall in the city with my parents. Humiwalay lang ako sa kanila ng landas dahil magiging third wheel talaga ako sa date nila. And also to give them privacy as a couple.

Naglibot-libot lang ako sa loob ng mall at tumitingin sa mga bagay nakakakuha ng atensiyon ko. Tulad nalang ngayon. Nakatayo ako sa harap ng bookstore at nag-iisip kung papasok ba ako sa loob o hindi.

Maybe I should buy a new book? May tatlo pa akong hindi nababasa na binili kong libro online. Bibili nalang ako. That's what I've decided. May dala naman akong sariling pera.

I was about to step in when someone tapped me on the shoulder. From behind. I turned around and the emotions on my face instantly vanished when I saw who is it.

Eyes On HerWhere stories live. Discover now